Third Person's POV
"Nanay, do you have wet wipes with you? Sam asked his mother as he hop inside their white van. ".... And also extra shirts for us?" Dagdag pa ng bata.
Natuon ang atensyon ni Kathryn sa panganay nang tumabi ito sa kanya. "Yes, kuya. Laging dinadala ni ate Joyce 'yon." She answered while typing a message para sa event organizer na pupuntahan nila para ipaalam na paalis na sila ng bahay.
"Buti na lang." Sam said.
Itinago ni Kathryn ang telepono sa loob ng kanyang bag at hinarap ang anak. "Bakit naman, kuya? Bakit mo natanong?" She asked while wiping off her son's sweat on his forehead.
"Eh, sure ako na my cheeks will be filled with kiss marks eh. Then they will hug me pa so I'll get sweaty." He immediately answered that made Kathryn smile.
"Don't get mad at them ah? Because they are our supporters. Dati pa lang when your tatay and I are still teens, nandyan na sila to show their support to us. Kaya dapat love din natin sila, just like how much they love us. Okay, kuya Sam?" Pagpapaliwanag ni Kathryn sa anak.
"Selos ka ba tuwing may nag ki-kiss kay tatay?" Tanong ulit ni Sam.
Bahagyang napatawa si Kathryn nang maalala niya ang pagseselos niya sa mga fans sa tuwing humahalik ito kay DJ. Lalong lalo na tuwing buntis siya. Kulang na lang eh itali ni Kathryn si Daniel sa tabi niya.
Pero sa kabila ng lahat ng nararamdaman na selos ni Kathryn, laging ipinapaalala at ipinaparamdam ni Daniel na si Kathryn lang, at wala nang iba pa.
Maraming mga fans na nagsasabing 'Ang swerte ni Kath, mahal na mahal siya ni DJ.' Maswerte nga talaga si Kathryn. And araw araw niya pa ring ipinagpapasalamat sa itaas na sa kanya ibinigay at ipinagkatiwala ang isang lalaking hinahangad ng lahat.
"Nanay, you're smiling. Baliw ka na." Natatawang sabi ni Sam at tsaka niya pinisil ang pisngi ng ina na ikinagulat naman ni Kathryn.
"Aww, that hurts ha. Bakit mo 'ko kinurot?" Kathryn grumbled after massaging her right cheek.
"Because tatay--" Naputol ang sinasabi ni Sam nang umeksena si Daniel buhat buhat si Sky.
Dalawang linggo na rin ang nakakalipas nang maospital ang kanilang pangalawang si Sky.
"Tatay what?" Tanong ni Daniel at tsaka niya ibinaba si Sky sa tabi ni Sam.
Inihatid ni Daniel si Sab sa bahay ng kanyang ina na si Karla dahil hindi naman pwedeng kalungin lang nila ito buong araw lalong lalo na parte ng event na pupuntahan nila ay ang meet & greet sa mga taong pumunta.
"Tatay always pinch your cheeks diba, nanay? Lagi ko nakikita si tatay pinipisil cheeks mo kaya ginaya ko siya." Sagot ng walong taong gulang nilang anak.
Pumasok si Daniel sa loob ng van at umupo sa tabi ni Kathryn. Nasa tabi siya ng bintana habang ang yaya naman ng mga bata ay naka tabi sa pinto ng kotse.
"Tara na, kuya Romeo." Sabi ni Kathryn sa driver nila na kanina pa naghihintay sa loob ng kotse.
Agad umandar ang kotse matapos magsalita ni Kath.
"Ikaw kasi, mahal eh. Wag mo na kasi kinukurot cheeks ko. Ginagaya ka tuloy." Sabi ni Kathryn na hinahaplos ang pisngi niya.
Hinawakan ni Daniel ang baba ng asawa at iniharap ito sa kanya. "Sakit? Kiss ko na lang." Sabi ni Daniel na agad binugbog ng halik ang mukha ni Kathryn.
