Third Person's POV
"Ate, paki bantayan muna ang mga bata ha? We'll text you na lang palagi." Sabi ni Kathryn pagka baba niya galing sa kanilang kwarto dala dala ang bag niya at ang pamalit na damit ni Sky.
"Bye, nanay. Take care." Sabi ni Sam at tsaka siya tumakbo sa ina para bigyan ng halik sa pisngi.
"Assignments mo, kuya ha?" Sabi ni Kathryn habang tinetext ang kaniyang ina para papuntahin sa kanilang bahay.
"Opo, nanay. Go home later ha?" Sagot naman ni Sam.
Itinago ni Kathryn ang telepono sa kanyang bag at kinuha ang shades nilang mag asawa sa cabinet nila.
"We'll go na. Ate yung bilin ko po ha? Si Sab po pakainin pag nagising. Pupunta naman si mama eh. Bye." Habilin ulit ni Kathryn sa kanilang mga katulong bago lumabas ng pinto at puntahan ang mag ama na naghihintay sa loob ng kotse.
Pumasok si Kathryn sa passenger's seat at kinandong ang anak. "Ate, change your clothes muna." Sabi ni Kathryn at tsaka hinubad ang pang tulog na bistida ni Sky.
"Mahal, dumadami rashes niya ah." Sabi ni Daniel habang umaatras palabas ng kanilang bahay.
"Oo nga, eh. Napapansin ko rin yan, mahal." Nilagyan ng pulbos ang katawan ni Sky at tsaka sinuotan ng pink t shirt at itim na shorts.
"Drink water, ate Sky." Sabi ni Kathryn at tsaka niya iniabot ang bote ng tubig sa anak.
"If I drink water ba, I will galing na?" Tanong ni Sky sa ina.
-----------
"Hala! Mimi! Blood! Ayaw ko sa blood!" Iyak ni Skylar Thea nang nakita niya ang dugo sa kanyang daliri na mula sa kanyang ilong.
Agad kumuha si Kathryn ng tissue na nasa harap ng sasakyan at pinunasan ang dumudugong ilong ng anak.
"Malapit na tayo, ate Sky. Wag ka na iyak." Sabi ni Daniel na mabilis na nagpapatakbo ng kanilang kotse.
Niyakap ni Kathryn si Sky na naka kandong sa kanya sa tabi ni Daniel habang di pa rin ito tumitigil sa pag iyak.
"Bakit ako nose bleed? Galing naman ako english ah?" Inosenteng tanong ni Sky sa mga magulang. ".. Sabi kasi dada nose bleed 'pag 'di magaling english eh." Dagdag ng bata na humihikbi pa.
Napatawa naman si Daniel habang diretso pa ring nag
mamaneho."You're sick kasi ate Sky kaya nag bleed yung ilong mo. But you're very good in english naman eh." Sagot ni Kathryn sa anak habang pinupunasan ang mga luha nito.
"Mahal, nabilin mo ba lahat ng kailangan ni baby Sab sa yaya niya? Pati yung assignment ni Sam? Buti na lang Sabado ngayon, walang pasok ang mga bata." Tuloy tuloy na sabi ni Daniel habang papaliko siya.
"Yes. And yung vitamins ni Sab tetext ko na lang kay mama. Pinapunta ko naman siya sa bahay eh.." Sagot naman ni Kathryn habang inaayos ang buhok ni Sky.
Kinuha ni Kathryn ang towel na nilagay niya sa loob ng bag niya bago sila umalis at ginamit ito pang punas sa pawis ni Sky.
"Bal, ako din pawis. Punasan mo din ako." Sabi naman ni Daniel sa asawa.
