Third Person's POV
Youtube Videos ng pamilyang Kathryn and Daniel Ford, umabot na ng ilang milyong views!
Kamakailan lamang nang mapanood natin ang unang video na pinost ng dalawa kasama ang kanilang tatlong anak. Matapos nito'y nasundan pa ng nasundan ang pag u-upload ng mag asawa. Maraming natutuwa dahil kahit hindi man sila makita sa mga tv screens ay mapapanood naman natin sila kahit saan, simpleng pindot at search lang.
Sa ngayo'y hindi pa natin nahihingi ang panayam ng mag asawa dahil sila rin ay may ibang pinagkakaabalahan. Kagaya na lang rin ng napatayo nilang iba't ibang business.
"Are you happy, bally?" Tanong ni Daniel sa asawa matapos mapanood ang balita tungkol sa kanila.
"Yah.." Simpleng sagot lang ni Kathryn at bahagya lang ring tumango.
Tinuloy tuloy nila ang pag gawa ng ganitong klaseng videos. Their videos had reached more than a million views so they're actually earning from simply recording a video.
Binuksan ni Kathryn ang kanilang youtube account para i-upload ang pinaka bagong video na nagawa nila. Ipinangako niya kasi sa kanilang mga taga sunod na linggo linggo silang mag popost ng mga videos nila. Alam nilang miss na miss na sila ng mga fans nila na makita ulit sa telebisyon o sa big screen kaya eto na lang ang ipinangako nila para naman masuklian ang suporta na ibinibigay sa kanila hanggang ngayon.
"Why? Bakit parang di ka masaya?" He asked her. Tinignan niya lang si Kathryn na abala pa rin sa pag pindot gamit ang laptop niya.
He knows something's wrong. Kathryn don't usually react like this whenever they have accomplished something. Masaya siya, at hindi lang isang araw. Minsan isang linggo siyang masaya dahil nga sa nagawa nilang pamilya. And sa tingin naman ni Daniel ay malaking bagay ang naabot nila, hindi lahat ng tao ay pinapansin sa youtube. Oo artista sila noon, pero hindi lahat ng artista noon ay tinatanggap pa rin ng mga tao hanggang ngayon. And he's thankful because of that.
"Nothing." Maikling sagot lang nito na hindi man lang tumitingin sa kanya.
Kumunot naman ang noo ni Daniel dahil sa inasal ng asawa. Wala naman siyang matandaan na pinag awayan nila lately. Masaya sila, at wala namang nagiging problema. Pati ang takbo ng business nila ay maayos naman.
"Wala ba talaga?" Tanong ulit ni Daniel. "Wala bang masakit sa'yo? Kiss na lang kita.." He said, trying to make Kathryn okay. Kung may problema man.
"Wala nga. Ang kulit naman." She stood up from the sofa and marched up stairs.
"May mali talaga eh." He stood up and followed her wife.
Before Kathryn could close the door, naiharang ni Daniel ang braso para hindi ito tuluyang masara.
Hindi na 'to pinansin ni Kathryn at padabog na inilapag ang laptop sa lamesa sa loob ng kanilang kwarto.
Humiga siya sa kama at tinakpan ng unan at kumot ang kanyang buong katawan.
"Bal, may masakit ba sa'yo? Anong masakit baby ko?" Nilambing lambing pa niya ang asawa, baka sakaling 'yon lang ang kailangan niya para mawala ang inis niya.
But Kathryn didn't react even a word. Lalo lang siyang sumiksik sa dulo at hindi pinansin ang lambing ng asawa niya. "Just leave."
---------
It's almost 9 in the evening when all of their children fell asleep. Pumasok siya siya sa kwarto nilang mag asawa nang nasigurado niyang tulog na tulog na ang mga anak nila.
