Thank you justknowmyname 💖
Third Person's POV
Loud music playing, balloons displayed everywhere, children creating different noises as they play with their friends.
Parents seems to have their own group. Chitchatting about different events that their children had attended, different clothes or even food recipes.
He fixed his hair and made sure that they're safe before going out of their vehicle. He checked his wife beside him and their children at the back.
"Bilisan ang lakad mahal, ah. Baka makapasok tayo sa loob punit punit na damit natin." Sabi ni Daniel bago mag tanggal ng seatbelt niya. He did the same with their kids and with his wife.
Una siyang lumabas ng kotse at agad umikot papunta sa pinto ng asawa't mga anak niya. He can sight people looking at them habang pababa ang mga kasama niya.
"Bilis bilis, aatakihin na tayo ng mga 'yan mayamaya lang." Sabi ni Daniel na hinawakan ang kamay ng asawa't pangalawang anak na si Sky. Hawak naman ni Kathryn si Samuel.
It's not that he doesn't want the people to be near them, Mahal niya ang mga fans nila. But today's special for their children at sayang ang oras kung papapicturan pa lahat ng mga makakasalubong nila.
May mga guard na tumulong sa kanila para makapasok ng event hall nang ligtas at walang galos o kalmot mula sa mga tao.
Pinarequest nila sa teacher ng mga anak nila na kung pwepwede'y sa sulok ilagay ang lamesa na gagamitin nila para na rin hindi masyadong kita ng mga tao.
"Kids, let's all go here in the center!" The emcee shouted through the wireless microphone she's holding.
Lahat naman ng mga bata ay tumakbo papunta sa gitna kasama sina Sam at Sky.
"So big na talaga.." Kathryn took her camera out from her bag and started taking pictures of their children.
"Sa susunod kasama na natin si Sab dito." Sabi ni Daniel na inusog ang puting upuan na inuupuan niya para mas mapalapit pa sa asawa.
They had to leave Sabrinna with Daniel's mother, Karla. Hindi pwedeng isama rin nila ang bata dahil alam nilang di rin naman nila matututukan lalong lalo na sa mga event na ganito.
It's family day here in Sam and Sky's school. The school admins prepared a program, activities, games just for the students and for the parents.
Dapat talaga'y hindi makakapunta ang mag anak na Ford dahil marami silang ginagawa. At bukod doon, alam nilang maraming tao sa ganitong klaseng event. Maraming makakakilala sa kanila at ayaw naman nilang sirain ang programang pinaghirapan ng school ng mga anak.
Pero nagbago rin agad ang isip ng mag asawa. They've decided to go. Hinapit na lang nila ang mga dapat nilang gagawin sa araw na 'to para lang makapunta. Gusto rin nilang ma experience ng mga anak nila ang maging normal. Normal na sa tuwing may ganitong klaseng pagtitipon sa eskwela'y makakasama sila, kasama ang mga magulang nila. And for Daniel, he didn't experience a complete family with him during family day on his school. He knew what it felt. At ayaw niyang maramdaman iyon ng mga anak nila.
"Should I start my vlog na, love?" Kathryn asked him.
Their eyes and minds were both occupied by their children. Daniel just nodded "Yes." as an answer to her question.
Inilabas ni Kathryn ang kanyang camera at maliit na tripod para mas mapadali ang pagkukuha niya ng video sa mga mangyayari sa araw na 'yon. Inayos niya ang pwesto, itinayo sa kanilang harapan at nag salamin gamit ang kanyang telepono bago niya tuluyang pinindot ang button para magsimulang mag record ang camera.
