Third Person's POV
"Are you feeling better na, ate Sky?" Tanong ni Kathryn sa anak habang hinehele ang kanilang bunso.
Tumango lang si Sky bilang sagot sa kanyang ina at tsaka niya inangat ang kanyang 'Sofia the first' blanket.
"Wait lang ate, ah? I'm gonna get cool fever for you downstairs." Paalam ni Kathryn at tsaka niya binaba ang kanilang bunso na tulog na tulog na sa crib nito.
Lumabas siya ng kwarto ng kanilang mga anak at naglakad pababa.
"Kamusta na ang baby ko?" Tanong ni Daniel nang makita niyang pababa ng hagdan si Kathryn.
Kasama niya si Sam manood ng kanilang paboritong palabas sa TV. — Adventure Time.
"I'm fine." Sagot ni Kathryn at tsaka dumiretso sa cabinet kung nasaan ang kukuhanin niya.
Bahagyang napatawa si Daniel sa sagot ng asawa. "Hindi yung una. Yung pangatlo. Si Sky po, mommy." Naka ngiting sabi ni Daniel sa asawa.
Tumayo si Daniel at nag lakad papalapit kay Kathryn. Niyakap niya si Kathryn mula sa likod at ipinatong ang kanyang ulo sa kanang balikat nito.
"Sorry na, love. Eh ako naman talaga ang baby mo, eh." Sabi ni Kathryn at tsaka niya hinalikan ang pisngi ng asawa.
"Oo, ikaw talaga ang baby ko. Lalo na kagabi." Naka ngising sabi ni Daniel. Binuhat niya si Kathryn at niyakap ng sobrang higpit.
"Bal, baba mo na 'ko. Kukuha pa ako ng tempra sa ref. May lagnat pa rin si Sky." Sabi ni Kathryn sa asawa.
Ibinaba ni Daniel si Kathryn mula sa pag kaka buhat niya. "Mataas pa ba? Noong isang araw pa siya nilalagnat diba? Dalhin na kaya natin sa ospital? Wait lang kunin ko lang su--"
"Let's observe first muna. Pag hindi pa bumaba ang lagnat niya after niyang mag cool fever and uminom ng medicine, we'll bring her to the doctor. Okay?" Sabi ni Kathryn sa asawa at tsaka siya nag lakad papunta sa kusina.
"Yes, doctora." Naka ngiting sagot ni Daniel na sinundan rin ang asawa sa kusina.
"Nurse lang ako, love." Sabi naman ni Kathryn kay Daniel habang nag sasalin ng tubig na para kay Sky.
Kinuha ni Daniel ang pulang pulang mansanas at kumuha ng kutsilyo para gamiting pang hati rito.
"Magaling kang nurse, bal. Galing galing mo sa lahat eh." At tsaka kumindat si Daniel sa asawa na nakapag pa pula ng mga pisngi ni Kathryn.
Ikaw ba naman kinditan ng isang Daniel Padilla, diba? Baka mahimatay ka pa.
"Let's go na, love. Let's check Sky na." Sabi ni Kathryn na naglakad palabas ng kusina bitbit bitbit ang cool fever, tempra at ang isang baso ng tubig na kinuha niya.
Naka sunod naman si Daniel dala dala ang isang bowl ng mansanas para kay Sky.
"Kuya dyan ka lang ha? Puntahan lang namin si Sky sa taas." Pag papaalam ni Daniel sa kanilang panganay bago sila tuluyang umakyat papunta sa kwarto ng mga bata.
Binuksan ni Daniel ang pinto at nadatnan nilang nakaupo si Sky sa kanyang kama.
"Di ka na sleepy, love?" Tanong ni Kathryn kay Sky at tsaka niya inilapag ang mga dala niya sa lamesa sa gilid.
"Di naman na. Gising na gising na 'ko." Sagot ni Daniel. Kagaya ng ginawa ni Kathryn kanina.
"Bal naman, eh." Saway ni Kathryn sa asawa na napa tawa lang.
Umupo si Daniel sa tabi ni Sky at iniabot ang dala niyang mansanas.
"Kain ka, baby Sky. Bago ka uminom ng gamot." Sabi ni Daniel sa anak.
Kinuha naman ni Sky ang dala dala ng ama at nag simulang kumain.
"Then you'll drink medicine ah? Suot mo na 'to, ate." Sabi naman ni Kathryn at tsaka niya nilagay ang cool fever sa noo ng anak.
Pinagmasdan lang nilang dalawa ang anak habang tahimik na kumakain.
"Diba, dada and mimi 'pag drink ako medicine wala na ganito?" Turo ni Sky sa rashes sa kanyang nga braso at iilan sa binti.
Tumango lang si Kathryn kahit hindi naman nila alam kung saan galing ang mga rashes na 'yon dahil wala namang allergy or kung ano pang pwedeng maging cause ng pag labas ng mapupulang rashes sa balat ng kanilang pangalawa.
"I'll cook our lunch lang ha? Love, ikaw na mag pa inom ng gamot ha?" Sabi ni Kathryn at tsaka siya lumabas ng kwarto.
"Dada, ayaw ko na. Inom na ako gamot." Sabi ni Sky at tsaka niya inabot ang mangkok na may iilan pang mansanas.
Kinuha ni Daniel ang gamot ng anak at pina inom ito sa kanya. "Very good, baby girl. Gagaling ka na mamaya." Sabi ni Daniel sa anak at tsaka niya inabot ang isang baso ng tubig.
"Tulog na ako tapos when I wake up galing na ako diba?" Tanong ni Sky na inaayos ang kumot niya.
Ngumiti si Daniel at ibinaba ang baso ng tubig. "Opo. Pagaling ka na ha? I love you, ate Sky." Sabi ni Daniel at tsaka niya hinalikan si Sky sa noo at itinaas ang kanyang kumot.
-
"Kain na, Sky. I'm done eating na oh." Sabi ni Sam sa kapatid na hindi ginagalaw ang pagkain niya.
Tinitignan lang nina Daniel at Kathryn ang dalawa habang kumakain rin ng kanilang tanghalian.
"Sky, eat na. Diba gusto mo gagaling ka na?" Sabi pa ulit ni Sam sa kapatid.
Umiling iling ang bata. "Sabi niyo kasi pag gising ko earlier wala na ako sakit pero nung gising ako meron pa din." Sabi pa ni Sky na may dismayadong mukha.
Tumayo si Daniel at lumipat sa upuan ni Sam at pinalipat naman niya si Sam sa dati niyang upuan.
"Gusto mo subuan ka ni dada?" Tanong ni Daniel. Simple namang tumango si Sky sa tanong ng kanyang 'dada'.
"Oh eat mo na 'to. Favorite mo pa naman 'tong niluto ni mimi. Say ahh." Itinapat ni Daniel ang kutsara na may lamang pagkain sa tapat ng bibig ni Sky. Tahimik naman na nginuya ni Sky ang pagkain niya. Hindi tulad ng dati na kahit saan yata nay kwento siyang nakahanda.
"Isa pa, ate Sky. Say ahh." Sabi ulit ni Daniel. Naka ngiti lang si Kathryn habang pinapanood niya ang kanyang mag ama. Bukod kay Daniel, eto nag nagpapakilig sa kanya. O nagpapasaya. Ang makita ang pamilya na nabuo dahil sa pagnanahalan nilang dalawa.
"Ayaw ko na, dada." Sabi ni Sky pag tapos niyang lunukin ang pangalawang kutsara ng pagkain niya.
"Onti pa lang 'yon, baby. Kailangan marami para labanan ng pagkain yung bad guys dyan sa tummy mo. Diba we watched that sa TV?" Sabi naman ni Kathryn na sinusubukan kunbinsihin ang kanilang anak.
"Oh!" Sigaw ni Daniel nang biglang mag suka si Sky sa lapag.
"Manang, paki linis naman po 'to oh." Sabi ni Daniel sa katulong nila na nasa kusina.
"Tara na, mahal. Ospital na 'to." Sabi ni Daniel at tsaka binuhat si Sky.
"I'll just get clothes for Sky. Palitan natin yan. And kukunin ko na rin yung wallet ko. Stay here na lang kuya Sam ha? Alagaan niyo ni manang si baby Sab." Sabi ni Kathryn na tumakbo na paakyat ng kanilang kwarto.
"Bakit punta pa hospital? Pinalabas ko na nga bad guys eh. Yun sila oh nililinis ni manang." Turo ni Sky sa duming nililinis ng kanilang katulong sa lapag.