Third Person's POV
"Ate Sky, nandito na 'ko." Bati ni Daniel pag pasok niya ng hospital room ng anak bitbit bitbit ang mga pinadala nitong laruan at iilang prutas na nirequest rin nito na pinabili niya sa kanilang katulong sa bahay.
"Oh, you're here na pala." Bati ni Kath at tsaka siya humalik sa asawa. "... Nakatulog na si Sky, kakahintay sa toys niya." Sabi pa ni Kathryn na kinuha ang dala dalang pagkain ni Daniel.
Tatlong araw na ring nasa loob ng ospital si Sky at tatlong araw na ring nasa ospital ang mag asawa. Gusto kasi ni Sky na laging sila ang nakikita tuwing nagigising ito o tuwing checheck up-in siya ng doctor. Kaya nagtitiis ang dalawa sa masikap na sofa para sa anak.
Umuuwi uwi lang sila sa kanilang bahay para mag uwi ng maduduming damit at kumuha ng bago. Para na rin kumuha ng mga gamit na personal nilang kailangan.
Ngayo'y nasa puder ng mga Bernardo ang dalawa pa nilang anak para mas maalagaan ng maayos. Tanging mga katulong lang nila ang natira sa bahay para mag bantay at mag linis.
"Ano? Na check na ba si Sky, bal? Kinuhanan na ulit siya ng dugo?" Tanong ni Daniel at tsaka siya naupo sa sofa sa tabi.
Pagka tapos itabi ni Kathryn ang kanilang mga gamit ay naglakad siya papalapit kay Daniel at umulo sa hita ni Daniel. Humiga siya sa sofa at ipinatong ang ulo kay Daniel.
"Opo. Mamaya babalik yung nurse. Di ka gutom, love?" Tanong ni Kathryn habang pinipisil niya ang pisngi ni Daniel.
"Himdi po. Ikaw antok ka? Tulog ka muna. Di ka naka tulog kagabi diba?" Daniel said at tsaka niya kinuha ang mga kamay ni Kathryn na nasa pisngi niya at tsaka niya ito hinalikan ng hinalikan.
Tumagilid si Kathryn at humarap sa tyan ng asawa.
Knowing Daniel, may iba nanakang tumatakbo sa isip niyan. "Ikaw, bal ha? Gusto mo dyan ha?" Naka ngiting sabi ni Daniel sa asawa.
Napa tingin agad ng masama si Kathryn dahil nakuha niya rin agad ang sinasabi ng asawa. "Eh, love naman eh. Sleep muna ako mamaya ka na mag ganyan ganyan." Lalong dumikit si Kathryn kay Daniel at ipinikit ang mga mata para matulog.
"Pagod na pagod ang asawa ko, ah?" He said as he caress his wife's cheeks.
He took his phone from his pocket and started typing as he hum his wife's favorite lullaby - Everything by Michael Bublé.
-----
"Malapit nang umuwi si ate Sky, papasok na ulit siya sa school." Naka ngiting sabi ni Daniel at tsaka niya inabot ang isang buong mansanas sa anak.
Kakagaling lang ng doctor sa kwarto ni Sky at masaya itong ibinalita na tumataas na ang platelets ng bata. At kung mag tuloy tuloy ito, hindi na sila aabutin ng isang linggo sa loob ng ospital.
"Yes then I'll graduate then I will be a super model!" Sky shouted before getting a bite from her apple.
"Is that what you really want when you grow up ate Sky?" Tanong ni Kathryn na naka upo lang sa sofa, katabi ang asawa na kumakain rin ng mansanas na para rin sana kay Sky.
"You don't want, mimi? Sige I'll be an artista na lang rin para dami ako pang bayad sa soldiers ko." Sagot naman ni Sky habang naghahanap ng laruan sa bag niyang dinala ni Daniel kanina.
Napatawa ang mag asawa dahil hanggang ngayon pinapanindigan pa rin ni Sky ang mga 'soldiers' niya.
Yung mga soldiers ni Sky na uutusan niyang bumaril sa lahat ng nang aaway sa 'mimi' at 'dada' niya.
She always put Daniel and Kathryn first everytime she's being asked about what she wants when she grow up.
"No need na, ate. Diba bad ang mang away?" Sabi naman ni Daniel at tsaka niya pinasa ang kinakain sa asawa.
"Eh diba bad yung ginagawa nila? Edi dapat bad din gawin sa kanila." Sky said, still playing with her toys.
Inilagay ni Daniel ang kamay sa bewang ni Kathryn at isinandal niya ang ulo nito sa kaniyang balikat.
"Hindi pwedeng mag artista 'tong si Sky, mahal." Sabi ni Daniel sa asawa. ".... Pag may nang bash sa kanya baka ipa salvage nito eh." Dagdag pa ni Daniel at tsaka kumagat sa mansanas na itinapat ni Kathryn sa bibig niya.
"Di talaga." Sabi naman ni Kathryn. ".... She's too precious just to be judged by the people who doesn't even know her... Who doesn't even know us." Dagdag pa ni Kathryn.
"Queen gramma!" Sigaw ni Sky nang makita niya ang pumasok sa kanyang kwarto.
"Hi, mama." Bati ni Kathryn sa byenan at tsaka bumeso.
"Yow, mama." Natatawang sabi ni Daniel at tsaka niya niyakap ang ina. "... Kamusta bakasyon?" Tanong pa niya nang makaupo na si Karla.
"Masaya. Nakakapagod." Sagot naman nito. ".... Ano? Ako muna mag bantay kay Sky?" Tanong ni Karla sa dalawa. Kita rin ni Daniel na pagod na at walang tulog ang mag asawa.
"Okay lang po ba, mama?" Tanong naman ni Kathryn habang nililigpit ang iilang kalat. "Okay lang ba, ate Sky?" Tanong pa ni Kathryn at tsaka tumingin kay Sky.
"Uhm..." Umakto pang nag isip isip ang bata. "... Just make sure you'll be back tomorrow morning ha?" Sabi ni Sky nang naka ngiti.
Napangiti ang dalawa dahil ngayon lang pumayag si Sky na may ibang mag bantay sa kanya.
"Anak, baka naman bawiin mo yang 3 araw niyo't di na makabangon yang si Kathryn ha?" Sabi ni Karla sa anak.
"Ma, paano mo nalaman?" Natatawang tanong ni Daniel. "... Alis na kami, ate Sky, mama. Balik kami bukas. Bye." They kissed Sky goodbye and promised to return first thing in the morning.
-----
"Love." Tawag ni Daniel habang abalang kumakain si Kathryn.
"Hmm?" Kathryn answered as she sip to her drink beside her plate.
"Manang, okay na po kami. Tulog na kayo sige." Sabi ni Daniel sa mga katulong nila na nasa kusina. ".... Bal, seryoso ako. Babawiin natin yung 3 days." Sabi ni Daniel nang naka pasok na ang kanilang mga katulong.
"Ano ba 'yan, bal eh. Nasa ospital yung anak mo tapos ganyan ganyan ka pa." Sabi ni Kathryn at tsaka siya tumayo at inilagay ang ginamit nilang mga pinggan sa lababo.
"Sige. Hay, ngayon na nga lang makaka solo sa bahay." Sabi ni Daniel na dumukdok sa lamesa. Di na lang ata si Kathryn ang may kakaibang charm ngayon, pati si Daniel may sariling version na rin.
"Hay, sige na nga." Sabi ni Kathryn nang maka balik siya sa dining area.
Para namang nabuhayan ang buong katawan ni Daniel. Tumayo siya kaagad at hinila si Kathryn paakyat ng kanilang kwarto.
"Finally!" Sigaw ni Kathryn nang maka higa na ulit siya sa kanilang malaking kama.
"Finally!" Daniel shouted as he undress his wife beside her.