5- Father

14.9K 233 7
                                        

Third Person's POV



"Pareng DJ!" Tawag ni Robi nang makita niya si Daniel na naglalakad papasok ng dressing room kasama ang kanyang mga assistants.




Napalingon naman si Daniel nang marinig niya ang kanyang pangalan at agad siyang napangiti ng nakita niyang si Robi ang tumawag sa kanya.



Naging abala sila sa trabaho at pamilya kaya hindi na sila gaano nakakapag usap.



Matuturing si Robi na isa sa mga malalapit na kaibigan ni Daniel sa showbiz mula noon hanggang ngayon.



Lumapit si Daniel kay Robi at binigyan ito ng yakap.



"Long time no see, pare. Happy fathers' day. " Bati ni Daniel sa kanyang kumpare na ninong ng kanilang panganay na si Samuel.


"Happy fathers' day din. Ikaw lang? Saan ang family?" Tanong ni Robi nang mapansin niyang walang ibang kasama si Daniel.


"Sa bahay. Di ko na pinasama dito. Pahinga na lang sila,ako na lang magtratrabaho." Sagot naman ni Daniel na naka pag pa ngiti sa kanyang kausap.


"Tatay na tatay ka na dalaga, ha." Sabi pa ni Robi at tsaka niya tinapik ang balikat ni Daniel. "... Una na 'ko ha? See you later, pre." Pag papaalam nito bago naglakad papalayo kay Daniel.



Naglakad na ulit si Daniel papunta sa kaniyang dressing room.



Ngayo'y nasa ASAP si Daniel upang mag bigay pugay sa lahat ng mga butihing ama, tulad niya.



Personal siyang tinawagan ni Mr. M upang mag alay ng isang kanta dito sa programang ito.



Hindi naman niya ito tinanggihan dahil na-miss niya rin naman ang kumanta sa harap ng maraming tao kasabay ng mga tili nito.



"DJ, dapat sinama mo mga junakis mo." Sabi ng kanyang stylist na si Rye na nilalapag ang mga dala niyang gamit ni DJ.



Umupo si Daniel sa upuan niya sa loob ng dressing room at nilabas ang telepono.



"Wag na, Rye. Papatayin mo nanaman sa titig si Sam eh. Pati bata di mo pinapalampas." Sagot ni Daniel nang maalala niya na walang ginawa si Rye kundi titigan ang kanilang panganay dahil sa napaka gwapong mukha nito.



Tinext agad ni Daniel ang asawa para ipaalam na nakarating na siya sa ABSCBN.


To: Asawa ko

Babe, nandito na ako. Kaso miss ko na kayo, uwi na kaya ako?



"DJ, bihis na." Singit ni Rye.


Inilapag ni Daniel ang telepono at kinuha ang damit na susuotin niya.


"Wag kang maninilip, ha?" Biro ni Daniel sa stylist bago pumasok ng banyo para magbihis.


-

From: Asawa ko

Bal, para ka talagang baliw. Take care💋 Galingan mo kumanta, we'll watch you.💗



Basa ni Daniel sa reply ng asawa pag tapos niya mag palit ng damit.



"Wag na nating ayusin buhok mo, DJ. Gwapo mo pag gulo gulo buhok mo oh." Sabi ni Rye na nakatayo sa likod ng upuan kung saan naka upo si DJ.


The Ford FamiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon