21- Beautiful

9K 185 10
                                        

Third Person's POV

"Mahal, delete this." He looked at Kathryn, trying to be serious. Tinitignan niya kung gagana ba ang pag susungit niya.

But Kathryn just smiled at him at tinuloy ang pagluluto ng kanilang tanghalian. Kumunot ang ulo ni Daniel, kahit alam niyang magmamatigas talaga ang kanyang asawa. 

Alam kasi ni Kathryn na hindi siya matitiis ni Daniel at siya pa rin ang mananalo sa huli. Pakiramdam niya tuloy nagiging abusado na si Kathryn sa pagiging mapag mahal niya, pagdating sa mga ganitong bagay. Sa mga ganitong bagay katulad ng pagpapakita ng masyadong balat sa maraming tao. 

Kathryn just posted an outtake from her recent photo shoot. She's still in demand pagdating sa endorsements, TV commercials and magazines. Lalo ngayong ina na siya, dati puro teens and woman magazine lang nagaagawan para sa kanya. Ngayon pati mga magazine at products na pang mommy nakikisali na rin para makuha si Kathryn.

"Ikaw ha, porke't alam mong hindi kita matitiis, hindi ka na nakikinig saakin. Kathryn ha," He tried to sound angry. Pero, patuloy pa rin si Kathryn sa pagluluto. "Kath. Hindi mo talaga 'to ide-delete? Sige ako na lang." Alam niya ang lahat ng password ni Kathryn sa lahat ng mga account nito. Pero he still respects her privacy. Kahit mag asawa na sila, it's her account at dapat siya lang ang gumagalaw ng mga 'to. Pero sa mga pagkakataong ito,mukhang mangenge-elam na siya ng privacy ng asawa niya.

"It's my account, don't." Kathryn grabbed Daniel's phone from his hands. She kept it on her pocket and continued cooking.

"What makes you say 'no' ba, mahal? Gusto mo bang makita ng lahat 'yang picture mo? I'm just being protective." Inihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha dala ng pagka iritado niya. And what makes him more irritated? The fact that Kathryn doesn't even look affected on his reactions. "Masyado na ba akong maluwag sa kanya kaya hindi niya na rin sinusunod ang gusto ko?" Sa isip isip niya.


He walked away from the kitchen counter at naupo sa pinaka dulong upuan ng kanilang dining table. He slammed his head down on the table and closed his eyes. It's the only way he can lower his temper. To not to argue even more and just let it be. Kathryn won the battle again.

"Minsan kasi wala na rin sa lugar, love. You're being over protective. And seriously, I get so pissed too." He heard her spoke from the kitchen. He stood up and hit the chair with his leg. A loud 'blag' sound made their children awake from their sleeps.

-----------------

"What's that dada?" Skylar asked Daniel as she scoop more rice from her small plate. Everyone's done on their lunch. Si Sky na lang ang natitira sa hapag na hinihintay din ni Daniel matapos. She's really a big eater. She eats more than what she should just eat. At kung bakit, she was influenced by the man infront of her. — Dada.

"Wala 'yon, ate. Tapusin mo na 'yan." Daniel answered, and smiled at her. They don't need and they don't want their children to get involved everytime they 'fight'? Nag aaway na nga ba sila?

Binitawan ni Sky ang maliit na kutsarang hawak at pinunasan ang bibig gamit ang kanyang kamay. "Dada, I'm nagulat kaya earlier when I heard blag blag here. What's that's ba dada?" The little girl continued eating, still looking at her father. 

Daniel just smiled at her. Kahit ano pang gawing pag papacute ni Sky, he wouldn't say it anyway. Ang sa mag asawa ay sa mag asawa lang. Eto ang madalas na sinasabi sa kanya ng kanyang ina na si Karla. Hindi na kailangan madamay pa ang mga bata sa tampuhan ng mga magulang. Inosente sila sa mga nangyayari at baka madungisan lang ang kanilang masasayang isip at puso kung malalaman nilang nagaaway ang kanilang mga magulang. 

"Ate Sky, not done yet? You need to take a bath na." Kathryn, walking down the stairs, pink bath towel and bathrobe on her arm. Naka tingin lang siya kay Sky na kumakain pa rin. 

"Ako na magpapaligo kay Sky, iwan mo na lang 'yan dito." He said straightly. Masyado siyang nabibingi sa katahimikan, hindi pa rin siya nasasanay sa mga ganitong pagkakataon, at ayaw niya ring hayaan na masanay siya. Na masanay rin ang asawa niya.


They say silence is peace. Na makakahanap ka ng kapayapaan sa katahimikan. But it isn't what they're experiencing right now.

-----

"Matutulog ka ba?" He asked her as he fix the bed. Preparing for their afternoon siesta.

She looked at him and nodded. Kathryn's okay now. Nawala na ang init ng ulo niya. Ang kailangan na lang siguro nilang harapin ay ang pride ng isa't isa.


"Come, let's rest." Tawag ni Daniel na ikinagulat ni Kathryn. She looked at him straightly. He's smiling.


Naglakad siya papalapit sa kanilang malaking kama at gumapang papalapit sa asawang nakabukas ang mga braso para sa kanya.

"Sorry, love." He started.

Kathryn hugged him as he continue to play with her hair. He kisses her forehead at times while she bites his chest.


"It's okay," She replied. "I'm sorry din. I just want to let the people see how blooming I am. How beautiful I am. How happy I am. Minsan na nga lang ako magandahan sa photos ko mahal eh.." She baby talks.


He giggled low at started speaking. "Bal, matagal na nilang alam na maganda ka. Baka pag nag post ka pa, agawin ka na nila saakin." He laughed.

----------------

SHORT CHAPTER.

The Ford FamiliaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon