13- Without Mama

12.1K 263 81
                                    

Thank you so much, itsmeknaphrodite 💗

Third Person's POV

To: Asawa ko

Kumain ka na ba ng lunch? Wag papalipas. Sunduin ba kita?

Daniel placed his phone on the table after sending his message to his wife, Kathryn.

He reached for the remote control beside him and opened the television.

"Hay nako, Kathryn.." Tinignan niya muli ang telepono kung sumagot ang asawa sa kanyang mga text.

Kanina niya pang umaga tinetext at tinatawagan ang asawa ngunit isang beses lang nito sinagot ang mga ito.

"Hello, mahal? Bakit ang aga aga wala ka?" Daniel asked while getting some fried rice he cooked for the kids. His phone placed in between his shoulder and his ear.

{Eh love, may problema ulit dito eh. Sige na naii-stress na 'ko. Bye. Love you.}  She hung up the call without letting Daniel talk to her for more.

Daniel slowly shaked his head. He knew what Kathryn was doing. And he's not liking it.

It's 1:30 in the afternoon and all of their children are taking their afternoon nap.

Si Daniel ang nagpa ligo at nagpa tulog sa lahat ng kanilang mga anak bago makababa at makapag pahinga sa kanilang malaking salas.

Kanina pang umaga wala si Kathryn. Hindi na nga niya nadatnan ang asawa sa kanyang tabi o sa kusina ng kanilang bahay nang nagising siya ng alas nwebe ng umaga.


Alam niya kung ano ang ginagawa ni Kathryn. Nagpapaka busy nanaman ito sa tinatayo nilang business. Napag desisyunan kasi nila na aalis nila sa pag aartista at magiging mga magulang na lang sa mga anak. At naisipan rin nila na magkaroon ng business na pwede nilang pagkuhanan ng kanilang pangangailangan. Malaki laki rin ang naipon nila mula sa pag aartista, pero hindi ito permanente at kailangan nilang magampanan at mabigyan ng wastong pangangailangan ang mga anak.


Fulltime mom and dad. Walang tatanggapin na proyekto, walang ibang masyadong pagkakaabalahan kundi ang mga anak muna. Pero parang hindi ito ang ginagawa ni Kathryn ngayon.


Noong mga nakaraang araw pa umaasta si Kathryn ng ganyan. Laging kaharap ang telepono at laging may kausap. Laging apurado at laging maraming iniisip.

Minsan nga'y hindi na nakakasabay ni Daniel si Kathryn sa pag tulog dahil kahit gabing gabi na'y ang dami pa rimg ginagawa ni Kathryn.



"Bal, let's sleep na.." Lambing ni Daniel nang makapasok siya sa kwarto nila. Pinatulog niya ang kanilang bunsong anak at nadatnan niya pa ring nasa study table ang kanyang misis.



Hinalik halikan niya balikat ng asawa, pati ang pisngi nito.



"DJ, I'm busy. Go to sleep na. Good night. Love you." Tinulak ni Kathryn si Daniel palayo sa kanya at tinuloy ang pag pindot sa calculator sa kanyang telepono habang nagsusulat.


Humiga si Daniel sa kama, hinintay pa rin matapos ang asawa bago siya matulog.

"Papa?" Napatingin agad si Daniel sa hagdanan nang narinig niyang tinawag siya ni Sab.


Ofcourse it's Sab. Sino pa bang tumatawag ng 'papa' sa kanya bukod kay Sab diba?

"Yes, my baby girl?" Tugon niya at tsaka tumayo para sunduin ang anak sa hagdan.

The Ford FamiliaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon