SCARLETTEI woke up lying on a comfortable bed at a hospital room. Agad akong napatayo nang maalala kong nandito si Xander sa Ospital. He is with Carmela! Bakit? Bakit niya sinabi sa nurse na siya ang ama ng dinadala ni Carmela kung buntis nga ito? Maya maya ay nakaramdam ako ng sunud sunod na contractions sa aking tiyan.
Pumasok agad niya akong sinuri. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano nang nangyayari sa anak ko.
"Scarlette you are three centimeters dilated, mukhang mapapaaga ang labas ng anak mo." Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang sinabi ng doctor. Ready na ba akong manganak? Tiningnan ako ng seryoso ng aking doktor. Is there something wrong?
"Take this pills scarlette, pampahilab 'yan. Kaylangan mailabas mo ang baby before it's too late." Too late? Anong ibig niyang sabihin? Mukhang nakita niyang gulong gulo ako kaya't nagsalita na siya.
"I'm sorry to say this Scarlette, ang pumulupot sa bata ang kanyang umbilical cord. Kapag hindi pa siya nailabas at patuloy siyang naglikot sa loob, maaari siyang masakat at maaari niya itong ikamatay." Natulala nalang ako sa loob ng kwartong 'yon. Takot na gumalaw. Kanina ay nararamdaman ko pa ang pag galaw niya sa tiyan ko. Kanina ay maayos naman siya. Bakit ba kasi napaka likot ng anak ko?
Tumingin ako sa lamesa sa gilid ng kama ko at nakita ko don ang mga gamit ko. Isa lang ang naisip ko. Si Alexander. Kailangan niyang malaman 'to. Marami pa kaming dapat pag usapan pero mas importante ang anak namin. Kinuha ko ang phone ko at agad idi-nial ang number niya.
"Hello?" Pamilyar na boses ng isang babae ang sumagot.
"Sino ka? Nasan si Xander?" I didn't even bother to say hello. Sino ba siya? Yes, may kasalanan ako sa kanya pero isa pa din siyang pipit tsuging ex secretary ni Xander.
"Tulog siya eh. Magdamag niya kasi akong binantayan." Magdamag? Tumingin ako sa wall clock at nakita kong alas kwatro na ng madaling araw. Matagal tagal din pala akong tulog.
"So?" Kaylangan bang ipagyaban niya pa sa akin na binantayan siya ni Xander? Narinig ko ang nakakabwisit niyang tawa sa kabilang linya bago siya sumagot.
"Takot lang siguro siyang may mangyaring masama sa baby namin." Anak? Nila? Nababaliw na ba 'tong babaeng 'to?
"Ano bang pinagsasabi mo Carmela? Hello? Hello?!" Ang gagang 'yon! Binabaan niya ako ng telepono?! How dare her?
Ang mga luha ko ay nagbabadya nang tumulo. Totoo ba ang sinasabi ni Carmela? Anak ba talaga nila ni Xander 'yon? Hindi malabong may mangyari sa kanila noon. Alam kong hindi makakabuti sa baby ko kung iiyak ako pero kahit anong pigil ko ay talagang tumutulo ang luha ko. Nandit kami ni Xander sa iisag ospital, ako ang girlfriend niya pero bakit wala siya ngayon dito sa tabi ko? Siya dapat ang unang nakakaalam nito pero bakit parang hindi niya man lang ako naisip?
Sa sobrang pag iyak ay hindi ko namalayang naka idlip na pala ako. Nagising ako ng marinig ko ang mahinang pag bukas ng pinto. Gising na ako pero hindi ko maidilat ng maayos ang mga mata ko. Nang maibuka ko ito ng kaunti ay natanaw ko ang isang babae, naka mask, naka unipormeng pang doctor at naka hair net. Hindi ko makilala ang babae, marahil isa sa mga doctor.
Lumapit ito sakin at naglabas ng syringe. Mukhang gamot pampahilab din ito. Hindi ko alam kung anong oras na at wala din akong pakialam dahil ams gugustuhin ko pang matulog kesa naman maalala ang mga problema ko.
"Sleep, Scarlette. Hmm. Wag kang mag alala. Makakasama mo pa din ang baby mo. Sa impyerno nga lang." Pamilyar na boses. May tinanggal siyang kung ano sa ilalim ng kama at saka humarap sa akin.
Agad akong dumilat at nakita ang babaeng itinuturok sa dextrose ko ang syringe. Hindi malinaw sa akin ang lahat pero isa lang ang alam ko. Kung sino man ang taong ito, gusto niya akong patayin. Agad akong nagpumiglas pero malakas siya, wala akong nagawa at nagsisigaw nalang at nanghingi ng tulong. Prenteng ibinalik ng babae ang syringe sa kanyang bulsa pagtapos niyang iturok sa akin ang gamot na nandon. Kalmado itong tumalikod at lumabas.
Sigaw pa din ako ng sigaw. Nanghihingi ng tulong. Walang dumating.
"Help! Xander!" Kahit sinong pangalan ba ay isinigaw ko pero wala.
Pinindot ko ang pulang button sa itaas ng kama pero hindi ito gumagana. Ito siguro ang tinanggal niya kanina. Tatayo sana ako ngunit naramdaman ko ang unti unting pagkamanhid at maya maya'y pagla paralisa ng aking buong katawan.
At this point, all I can think of is my baby. Bakit ginagawa ito sa amin? Hindi ba pwedeng ako nalang? Bakit kaylangan pang idamay ang anak ko? Kung sakali mang mamamatay ako ngayon, sana mabuhay ang anak ko. He needs to live si he can find the person who killed his mom.
Nasaan si Alexander ngayong kaylangang kaylangan ko siya? This is his fault. Tanggap ko nang mamamatay ako pero hindi ko matatanggap na pati anak kong walang kamalay malay ay mamatay ng. Hindi ko siya mapapatawad. Hinding hindi.
Pahina na ng pahina ang boses ko at unti unti na ding nagdidilim ang paningin ko.
Hold on baby, mommy loves you...
BINABASA MO ANG
The Unwanted Woman
General FictionScarlette is a successful businesswoman of her time. Nasa kanya na ata ang lahat, looks, sexy body, money, intelligence. Iisang tao lang ang minahal ni Scarlette at nagkataon pang sa best friend niya pang si Lucia ito nagka gusto. Nang mamatay si Lu...