Chapter 4

33.2K 527 21
                                    

SCARLETT

"THE FUCK?! Anong ginagawa mo dito?" I thought nasa bakasyon siya? Hermaine Tiffany Laurent is my bestfriend. Simula nang mawala si Lucia, wala na akong naging totoong kaibigan, lahat naman kasi ayaw sa akin. We bumped into each other one day at nagustuhan agad namin ang attitude ng isa't isa.

"Excuse me? Don't Call me Hermaine." She said and rolled her freaking eyes on me. Namiss ko ang babaeng 'to. Ilang buwan ding hindi nagpakita sakin 'to eh.

"Fine. Tiffany then. So how's your vacation?" Umupo ako sa tabi niya ta saka sumimsim ng vodka. Ang init ng inumin ay gumapang sa lalamunan ko. Ahh. This is exactly what I need.

"Well. As usual. Boring. Ang konti ng boys dun. Puro bakla lahat! Mga supot pa." Ang lakas niya tumawa dahilan para mapatingin ang ibang bisita.

"Hey. Kadiri ka talaga! Hindi ka pa din ba kuntento sa isa ha?" Pang aasar ko sa kanya.

"Don't make it sound na parang kung kani kanino ako nakikipag sex. Virgin pa 'to no!" Nagsalubong ang kilay niya at pabirong umirap sa akin.

"Are we talking about him again? Don't give up Tiffany, makukuha mo din yon. Ikaw pa." I tried to joke around para naman mapagaan ang sitwasyon, halata kasi sa mukha nito na malungkot siya. Just like me, tiffany likes a guy, but unlike Alexander, that guy is a flirt, malanding lalaki, babaero, name it. Parang buffet na available para sa lahat!

"I'm hopeless Scarlett. Ngayon pa nga lang eh! Tatawagan niya lang ako if he needs me! Pano kapag nalaman niya yung tungkol sa nakaraan ko? Baka tratuhin niya na akong basura." Yes, Tiffany had a dark past. Siguro kaya din siya naging ganyan ka liberated dahil sa nangyari sa kanya nung bata pa siya. And worse, wala pang naniniwala sa kanya na nangyari sa kanya 'yon.

She smiled at me. "Ano ka ba? Who said I'm not okay? Girl, I'm here to have fun, hindi ko pwedeng palampasin ito!"  Iinom pa sana ako ng vodka kaso pag simsim ko naubos ko na pala. Sa kaka kausap ko kay Tiffany, naubos ko na yung alak pero hindi naman ako tinamaan. Well malakas naman yung alcohol tolerance ko kaya okay lang.

"So bakit ka nga nag bakasyon?" Nag open nanaman ako ng topic, bigla kasing natahimik eh. Para nga siyang sira eh tinutusok niya ng straw yung natirang lime sa baso niya, tapos ako naman kinakain ko yung yelo na natira sa vodka ko.

"Pinagtataguan ko nga kasi si Clint!" Sagot niya habang tinutusok pa din yung lime.

"Bakit naman?" Sumandal ako sa inuupuan ko at itinaas ang legs ko.

"Gago kasi yon! Naabutan ko ba namang may kinakabayo sa pad niya!" Sabi niya at tuluyang ibinato yung straw sa sahig, mabuti at hindu yung baso ang naibato niya.

"Gaga ka din naman eh! Hahahaha."

"Bitch! Kumuha ka pa nga ng vodka!"

"Fine." Tumawa ako at tumayo na papunta sa bat counter.

Humingi pa ako ng dalawang vodka sa bartender na inupahan ni Carla. She always has the best party every year, she rented the whole Green Cave bar last year for her party and this year, eto. A swimming party.

Pagbalik ko, nakita kong may kinakalikot siya sa phone niya at nanlalaki yung mata niya. Iniabot ko naman sa kanya yung vodka at ni straight na inom niya lahat 'yon! Nanlalaki nanaman yung mata niya pati butas ng ilong habang pinupukpok na niya halos yung cellphone niya. Umupo naman ako sa tabi niya sa may paanan kaya nakaharap ako sa kanya at nakatalikod sa pool.

"Tangina niya talaga! Aaaaaarrrrgh!" Sumigaw siya kaya naman lahat halos ng tao nakatingin samin.

"Baket?! Anong tinitingin tingin niyo!"Sigaw niya ulit kaya nag iawas ng tingin yung mga nakatingin samin. Ano bang problema ng babaeng ito?

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon