Chapter 5

32.2K 523 35
                                    

SCARLETT

"What the fvck do you think your doing?!" Pagalit na asik niya sa akin, hinila niya ako sa harap ng mansion nila Carla sa may bandang garden. Mahina na yung music sa part na 'to kaya napaigtad ako sa sigaw niya. Hindi ito ang unang beses na sinigawan ako ni Alexander, pero oo takot na takot ako ngayon, alam ko namang hindi siya mangingiming saktan ako eh.

"Ba-bakit ka ba sumisigaw?" Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya habang sinasabi ko 'yon. Sigurado akong nanlilisik ang mga mata niya alam ko dahil nararamdaman ko. Nararamdaman ko iyon na bumabaon sa kalululuwa ko.

"And you have the guts to ask me what's my problem? You let that motherfvcker lick you stomach! What the fvck is wrong with you?!" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko at inalog ang buong katawan ko, para bang gusto niyang ipaintindi sa akin yung mga sinasabi niya.

"Teka nga! BAKIT KA BA NAGAGALIT? HUH? WALA KANG PAKIALAM SAKIN DIBA? KAHIT KONTE WALA!" Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. Ano nga bang inaasahan ko? Ako nanaman ang iiyak sa huli.Edi hindi siya nakapagsalita ngayon!

"Ano? Magsalita ka! Bakit ka nagagalit? Kasi malandi ako? Napahiya ka?! Bakit? You never admitted na may relasyon tayo! Kasi wala naman talaga eh! Ako lang naman yung gagang nag a assume eh!" Iyak lang ako ng iyak habang sinasabi ko iyon. Gusto ko nang mag break down. Paulit ulit ako sa ganitong sitwasyon.

"Cut the drama! Wag mong ibahin ang usapan! Kung hindi pa ako nag interrupt san kayo mapupunta? Huh? I know you'll end up fvcking the hell up each other! Well oo nga pala! Dun ka magaling." Tinalikuran na niya ako at bumalik sa party. Napaupo na lang ako sa damuhan habang umiiyak. 4 years, 4 fvckin' long years. Hindi pa ba ako sanay?

I'm pathetic right? Gusto ko nang mag move on. Pero bakit hindi ko magawa gawang kalimutan siya? Ayoko na . Ayoko na talaga eh. Pero bakit hindi ko kaya? 

I continued crying my heart out until I heard a familiar voice.

"Ang lakas mo naman umiyak Scarlett. I can hear your voice from my room." Ganun kalakas yung iyak ko? Sht. Nakalimutan kong nasa ibang bahay nga pala ako. Nakakahiya. Ano nalang iisipin ng taong 'to?  Naka two piece ako at umiiyak sa damuhan shiz.

"Akala ko kung sinong multo. Ikaw lang pala." Umupo siya sa tabi ko.

Nilingon ko kung sino man siya.

"Harris!"

Harris Mikael Gomez is Carla Gomez's older brother. Malapit na kaibigan ko si Harris, pero hindi ko alam na nandito siya dahil hindi naman sinasabi ni Carla at ang alam ko may business conference siya sa Malaysia. 

"Bakit ka umiiyak Scarlett? Is  it because of him again?"

Nakayakap sakin si Harris habang nakabaon ang mukha ko sa dibdib niya. basa na ng luha ang t shirt niya. Wala na akong pakialam kung naka two piece ako at nakadiit ang katawan ko sa kanya. Knowing him, alam kong hindi niya ako pagsasamantalahan. Tumango lang ako sa tanong niya.

"I told you to stop right? Wala ka ba talagang kadala dala?"

"I can't. Alam mo kung gaano ko siya kamahal right?"

"Mukhang wala na talaga akong magagawa. Scarlett, you know that you're special to me right? Wag kang mag alala, kung sakaling ayawan mo siya nandito lang ako."

Yes, hindi lingid sa kaalaman ko na may feelings para sa akin si Harris. Kapag nasasaktan ako at gusto kong sumaya, sa kanya lang ako tumatakbo at gagawin na niya ang lahat para mapasaya ako. 

"Halika dun tayo sa taas. Malamig dito baka sipunin ka."

-

"OKAY ka na ba talaga?" Tanong niya, nandito pa din kami sa kwarto niya at nag ke kwentuhan. Nang mahimasmasan ako ay nagyaya na akong bumaba para kunin ang gamit ko at makapag palit na din. Pinag suot muna ako ni Harris ng white t shirt bago bumaba.

"Oo nga tara na."

Pagbaba namin, nandun pa din sila Alexander. Nakita ko si Tiffany na katabi si Clint pero nakasimangot siya. Hindi siya makaalis eh. Si Alexander naman, parang walang nangyari na masayang nakikipag tawanan kina Clint.

Kinuha ko yung ag ko sa kinauupuan ko kanina habang naka sunod sa akin si Harris. I can feel a pair of eyes watching me. I looked at Tiffany and mouthed 'Bye' at ganun din ang ginawa niya kumaway pa siya at ngumiti pagkatapos ay sumimangot ulit.

"Lika na." Sabi ko kay Harris.

"Okay." Nakabihis na siya at nakasuot pa din ako ng t shirt niya. Di naman mukhang malaswa kasi nga swimming party. Tahimik din kasi nag papa games sila Carla at ang mga kaibigan niya. Inakbayan ako ni Harris at saka kami tumalikod.

Wala pang tatlong hakbang ay may humigit sa braso ko. Sa pangalawang pagkakataon ay huminto ulit ang puso ko. Si Alexander, seryosong nakatingin kay Harris.

"Ako nang bahala sa GIRLFRIEND ko pare. Uuwi na kami."

For the third time huminto ulit ang puso ko. Posible ba? Posible bang may nararamdaman na din siya? For the first time he admitted that I'm his girlfriend. Hindi na ito pag a assume lang. 

Lumipas ang ilang sigundo na walang nag sasalita. Mistulang lahat ng tao nakikinig at yung *kruu kruu* sound lang nag naririnig namin.

Tuluyan niya akong hinigit kay Harris at hinila papasok sa mansion habang nag hihiyawan ang mga kabarkada niya pati na rin ang ibang bisitang naroon.

Wht the hell did just happened?

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon