Chapter 33

29.9K 385 3
                                    


SCARLETTE

Alexander rushed to Scor as soon as the call ended. Hindi ko pa alam ang buong istorya dahil nataranta na rin si Xander at ang tanging nasabi niya lang sa akin ay sumabog ang kotse niya. Nagpumilit akong sumama pero hindi siya pumayag at pinagbantay nalang ako kay Ryder.

Parang alam ng anak ko na may peligro sa paligid, walang tigil ang iyak niya nang umalis ang ama niya at wala naman akong nagawa kundi ang ihele at pakalmahin siya. Kumabog ang dibdib ko nang tumunog ang doorbell, tumingin ako sa pinto at pagtapos ay binalik ang tingin ko sa anak kong umiiyak pa rin. Ibinaba ko muna siya saglit at nagtungo sa pinto.

Binuksan ko ng kalahati ang pinto at tumambad sakin ang apat na lalaking may malalaking katawan, lahat ay naka kulay itim at naka shades.

"Magandang gabi ho, pinadala kami ni Sir Xander para magbantay. Dito lang ho kami sa labas." Nginitian ako ng ksa at lumuwag ang dibdib ko. Akala ko kung ano na. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Sige, maraming salamat." Nginitian ko rin sila at isinarang muli ang pinto. Binalikan ko si Ryder at hinele siya, namumula na siya sa kakaiyak. My poor baby.

ALEXANDER

My car is wrecked. Nang makarating ako sa lugar kung san sumabog ang sasakyan, ay umuusok pa ito. May tatlo hanggang limang sasakyang napinsala pero hindi naman major dahil maluwag ang daan nang mga oras na nangyari ang insidente. Maraming pulis at maraming empleyado mula sa agency ng pamilya ni Scor, nagsagawa rin sila ng sarili nilang imbestigasyon. Nagsisimula na ring dumating ang mga media. This is gonna be a headache, wala pa man ay napahimas na ako sa aking sentido.

Nilapitan ko si Scor na ginagamot ng mga medics, mukhang wala naman itong major injury, may ilang sugat lamang siya sa siko, braso at mga kamay. Magulo ang buhok at madungis ito. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay tatawanan ko ang loko, pero seryosong sitwasyon 'to.

"Dude." He looked at me and he rolled his eyes at me. Parang bakla.

"Walanghiya ka. Montik na kong mamatay." Iniwas niya ang ulo niya nang gamutin ng medic ang galos niya sa sentido.

"Ano bang nangyari? Pano sumabog kotse ko?" I placed my hands inside my pocket and waited for his answer. Di ko alam kung tatawa ko sa itsura niya o maiiyak ako dahil sumabog ang paborito kong sasakyan.

"Ah miss? Tama na 'yan. Okay na 'ko. Salamat." Scor flashed his 100 million dollar worth smile. Umalis din naman ang mga nang gagamot sa kanya. He was sitting at the back of the ambulance kaya tumabi ako sa kanya.

"What?" I asked.

"So I was driving and the smell became really strong. Diba pagsakay ko palang sinabi ko na sa'yo? But I ignored it dahil baka yung gulong lang or whatever." Tiningnan niya ang mga galos niya sa braso at nagsalita muli.

"While I was driving, the smell went really familiar. I thought it smelled like burnt french toast." Kinunotan ko siya ng noo at pinagtawanan niya naman yung sarili niya.

"Tarantad0! Magkwento ka nga ng maayos!" Sinipa ko ang binti niya. Napaaray naman ang loko.

"Pre seryoso kasi, amoy sunog na french toast, tapos narealize ko di 'yon sunog na french toast. It smells like burning wires." My frown got deeper, burning wires? Palagi kong pinapa check up ang sasakyan ko, nahinto lang ng magkagulo kami ni Scarlette.

"Nung naisip ko 'yon, di na ko nakahinto, tinalon ko nalang agad kahit umaandar pa and tama nga ako, your car exploded a few seconds after I jumped off." Seryoso akong tiningnan ni Scor, sinagot ko rin siya ng seryosong tingin.

"What do you think it is?"

"Hindi pa buo ang imbestigasyon but base on the debris that we found on the area, it seems like it's an IED."

"What the hell is IED?"

"An improvised explosive device. It was basically a homemade bomb, madali ka lang makakabili ng mga gamit dito sa pinas para makagawa ng ganong klaseng bomba, yung iba pa nga eh legal na binebenta." Now I'm starting to feel creeped out. Kung nagkataong ang kotse ko ang sinakyan namin... Ugh! I don't even wanna think about it.

But come to think of it, we were supposed to use my car.

"Oy? Bingi ka ba? Ako yung naaksidente pero mas mukha ka pang kabado ah?" Naputol ang pag iisip ko ng tapikin ni Scor ang balikat ko.

"Huh?"

"Sabi ko kung may atraso ka ba sa iba? Mukhang may gustong tumira sa'yo eh."

"Wala pre, pero tingin ko sinadya talaga." Napatulala akong muli at pilit na iniisip kung sinong may gawa nito.


"Pano pre? Mauna na ko. Napa check ko na sa mga tao ko yung sasakyan mong dala ngayon." The police and Scor's team were still investigating the crime scene. Nakakairita dahil ang daming media na gustong maka kuha ng impormasyon, and this is what I'm preventing to happen. Lalo lang lalaki ang issue at marami pang tao ang makakaalam.

"Di ba pwedeng gawan ng paraan 'tong mga reporter?"

"Di ko na naasikaso pre, pero yung tao ko nalang ang kakausap. Aalis din naman yan pag nakapag interview ng kahit sino eh."

"Sige dude. Salamat ah. Ingat ka rin." Tinapik nya ang balikat ko at ganon rin ako.

Dumiretso ako sa sasakyan ko at pinilit kong mag focus kahit na punung puno ng kung ano ano ang utak ko. I just wanna get home to my family.

Nadatnan ko sa labas ng unit ang mga body guards na pinadala ko kanina, galing din sila sa agency ng pamilya ni Scor kaya sigurado akong safe ang mag ina ko. Tinanguan ko lamang sila at pumasok sa unit. Nadatnan kong magkatabing natutulog ang mag ina ko. There's nothing more that can make me happy than to see these two peacefully sleeping.

Hindi ako makatulog ng gabing 'yon. Who wants to kill me and Scarlette? Sa sofa na ako natulog dahil ayokong magising pa si Scarlette. And then I remembered something. There's only one person who hates Scarlette more than ever.

I got my phone and texted Scor.

To: Scor Betlog
  
               I want you to investigate someone named Pacey Ignacio. I think she's the mastermind.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon