Chapter 12

31.2K 442 19
                                    

SCARLETT

MAHIMBING PA ding natutulog si Alexander sa tabi ko. Hindi ako makapaniwala. I stayed in his bed all night. Hindi naman siya ganito pinapaalis niya na kasi agad ako after ng you know what. So I'm really hoping that maybe ito na ang simula diba? Baka bigyan na niya ako ng chance.

I started fixing myself and prepared breakfast for him, ang gaan ng feeling ko. Parang ang gaan gaan ng buhay at wala akong problema. Naghahain na ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Alexander at iniluwa siya noon. Topless. Yum yum.

"Hey. I was about to call you na eh. Tara kain." I told him still smiling.

"What's for breakfast?" Masungit na sabi niya. Uh-oh, epekto ba to kasi bagong gising siya or he is back to his old self again? Tangna. Di ko pa nga na fi feel yung moment mag iinaso nanaman ako? -____-

"Kain na."

Tahimik kaming kumain, yung tipong tunog na lang ng kutsara ang naririnig. So this is the cue huh? Ibig sabihin patikim lang pala yung nangyari kahapon? Nakumpirma ko ang iniisip ko nang iwan niya ako sa dining room na parang wala ako dun. All of a sudden, biglang parang bumalik lahat ng pinapasan ko. Gusto kong umiyak.

"Alexander." Hinabol ko siya sa room niya.

Nilingon niya ako pero hindi siya nagsalita.

"G-galit ka ba? I'm sorry kung ano man yung kinagagalit mo." I said. Sh!t malapit na ako maiyak.

"You know for a fact that a sorry isn't enough." Sabi niya at tinalikuran ako ulet.

Ano pa nga bang bago? Hobby na naan niya na saktan ako eh. He lifted my hopes up at bigla niya na lang akong ihuhulog basta basta. Hindi ako ready, kaya sobrang sakit ng pagkahulog ko. Hustler na hustler na nga siya sa ganito eh. Marahas kong pinahid ang luha ko at lumabas ng unit niya. Wala na akong pakialam kung t shirt niya at panty ko lang ang suot ko.

--

"Asan na yung ibang Financial Statements? Kaylangan kong I review 'yon! Last week ko pa sinabi sa'yo diba? Bakit hanggang ngayon wala pa?!" Alam kong mali pero naibunton ko nanaman sa secretary ko yung galit ko. Kung bakit ba naman kasi napakatanga eh.

"M-mam, sorry po kasi natambakan po ako nung isang araw eh."

"Do you think that's a valid excuse? Kung ganyan ka lan din naman, eh mabuti pang palitan na lang kita!"

"Wag po ma'am. Pangako po aayusin ko na."

"Then get out of my face at gawin mo ang inuutos ko!" I shouted.

Tangina lang kasi, wala nab a akong pwedeng gawin sa buhay ko? Nakakasawa na yung ganitong buhay eh. Paulit ulit na lang.

Kanina, pagbalik ko sa unit ko gusto kong umiyak. Gusto kong magwala, gusto kong sunugin yung buong building. But guess what, wala akong nai iyak. Wala na akong maramdaman sa sobrang sakit. Pero nararamdaman ko pa din yung sakit. Parang wala akong maramdaman na saya, puro lungkot.

Nag ring yung phone ko at mabilis ko naman iyong sinagot. Tumatawag si Tiffany.

"Hello?"

"Hi! Let's have late lunch at City Cakes. May papakilala ako sayo. Bye!" Binabaan niya na agad ako ng phone matapos niyang sabihin ang mga gusto niyang sabihin. Tangina nakaka bwisit.

Inayos ka na lahat ng importanteng gamit na dapat kong dalhin. Pag kuha ko ng wallet ko, may nalaglag. Yung picture naming kagabi, gamit yung Polaroid camera ko. Then it hit me. I'm not afraid to let him go. I'm just afraid that I'll let him go and he won't chase me like I always do.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon