Chapter 15

33.3K 447 25
                                    

SCARLETTE

 

 

“THANK GOD you’re awake.” Iyon ang narinig ko pagkamulat ko ng mata ko. Nahihilo ako at masakit ang nararamdaman ko. I’m starting to think kung anong nangyari at napunta ako dito. Ang naaalala ko ay kasama ako si Carmela at…Shit! Anong nagawa ko? Sinaktan ko ba siya?

“Harris. Si Carmela? What happened to her?” I started to panic. Hindi ko sinasadya shit. Hindi ko alam kung ano yung pumasok sa isip ko at nagawa ko yon. I’m not that cruel para gawin ‘yon. Yes, I can say na masama ako pero, hindi ako mamamatay tao. Fvck. Pano kung mapatay ko siya? Sh!t.

“Ssshh. Calm down Scarlette. She’s okay.” Sabi ni Harris habang inaalo ako.”

“Ay nako girl. Ano ba kasing pumasok sa isip mo at ginawa mo ‘yon? Montik ka nang mapahamak o!”

“True! Mabuti pasa at galos lang ang natamo mo.”

Doon ko napansin na nadito din si Veronica at Tiffany, shit. Naaksidente ako. What happened? Ganon ba talaga kalala ang nangyari at naospital ako?

“A-anong nangyari kay Carmela? Okay lang ba talaga siya?”

Nagtinginan silang tatlo. Tiffany looks uncomfortable. Alam na alam ko kapag may gusto siyang sabihin sakin o kaya kapag nagsisinungaling siya. Ganito ang inaakto niya.

“Harris! Tell her!” Sigaw bigla ni Tiffany. Si Veronica naman ay tahimik lang habang ngumunguya ng bubble gum habang may kung anong tinitingnan sa phone niya.

“Okay fine! Shit. Scarlette, she’s in coma for two days. Pero nagising na siya ngayon.” Nagmamadaling sabi niya na parang naipilitan.

See what you did Scarlette? Damn! Montik ka na makapatay ng tao! Bakit go ba kasi nagawa ‘yon? I freakin’ crossed the line. Hindi na dapat umabot ng ganon. I can’t believe na nagawa ko ‘yon. I can’t help but cry. Anong nagawa ko?

“Hush. It’s not your fault. Kasalanan ‘to lahat ng gagong iyon!” Harris said while hugging me.

Naisip ko nanamn si Alexander. How is he? Okay lang ba siya? Galit ba siya sakin? Of course he is. For sure kinamumuhian na niya ako dahil montik ko nang mapatay ang pinakamamahal niya. Siguro ang iniisip niya, this is his second chance to happiness tapos sisirain ko nanaman? How’s that? Ako nanaman ang masama.

Nasa ganoon kaming posisyon nang pumasok ang doktor. She smiled at us.

“Kamusta Ms. Henderson? Dalawang araw kang nakatulog. You need to eat.” Sabi pa ng doktor.

“Doc. Tell me. M-may sakit ba ako sa utak? Bakit ko nagawa ‘yon? Nababaliw na ba ako?” I asked. Yeah that’s what I’m thinking right now. Hindi ko naman ugaling gawin ‘yon. Hindi ako ganon kasama. But what I did there was really shocking. Heto nga’t kamuntik pa akong makapatay. Maybe because I’m so damn hurt that time?

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon