Chapter 27

27.6K 348 19
                                    



SCARLETTE

MASAKIT ANG ulo ko, nahihilo ako at mabigat ang mga mata ko. Hindi ko maramdaman ang katawan ko. Gising na ako ngunit hindi ko maigalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko. Hindi ko maidilat ang mga mata ko.

"Stable na ang lagay niya, wala kayong dapat ipagalala."

"Thank you Doc." Boses ni Tiffany ang narinig ko. Gusto ko siyang tawagin pero hindi ko maigalaw ang dila ko.

Tunog ng pinto ang narinig ko at pag tapos ay unti unti nanaman akong hinihila ng antok.

"IS SHE okay, Harris?" Boses ni Mommy ang narinig ko. Harris? Nandito si Harris?

"Yes tita, hinihintay nalang siyang magising." Halata ko ang lungkot sa boses ni Harris, sa mga oras na iyon. Gusto ko nang dumilat at bumangon ngunit sadyang mabigat ang mga mata at ang katawan ko. At muli, binalot ako ng katahimikan at kadiliman.

"SCARLETTE, baby wake up." Boses ni Alexander ang naging dahilan para magising ang diwa ko. Ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin kahit na hindi ko maidilat ang mga mata ko.

I tried to move my foot and i did it. Sa wakas mukhang makakatayo na ako. Ikinunot ko ang noo ko at ginalaw ang mga daliri ko.

"Babe? Gising ka na?" Nag aalala ang tono ni Alexander. Hindi ko magawang sumagot dahil nag fo focus ako sa pagdilat at pag bangon.

Unti unti kong binuksan ang mga nata ko at agad akong napapikit dahil sa liwanag sa kwartong 'yon. Agad na nagsilapitan ang mga tao, si Harris, si Tiffany at ang mga magulang ko. I tried to open my eyes again and I saw them looking at me with worried faces.

Sinubukan ong umupo dahilan para mag contract ang mga muscle sa tyan at puson ko ngunit hindi ko nagawa dahil agad gumuhit sa puson ko ang kirot at hapdi.

"I'll call the doctor." Narinig ko si Harris na nagsalita at lumabas ng kwarto.

"Anak, kamusta ang pakiramdam mo?" My mom looks so tired. Tila papaiyak na ito.

"I- I'm okay mom." Hinawakan ko ang kamay niya na nasa gilid ko at pinisil iyon. My dad hugged her and looked at me.

"Pinag alala mo kami, princess." I can't see any emotion on my dad's face but I know, pinagalala ko talaga sila."

"Goodness, Scar! Ano bang nangyari ha? Aba halos mabangga ako nang mabalitaan kong nasa operating room ka na!" That was tiffany. Mukhang talagang nag alala din siya sa akin.

Ganon ba kalala ang nangyari?

Doon bumalik lahat sa utak ko. Ang babaeng naka damit pang doctor, ang lasong itinurok niya sa akin. Ang pag sigaw ko sa pangalan ni Alexander ngunit hindi siya dumating. That's when I realized that I don't have my huge baby bump anymore.

Agad akong tumingin kay Xander at automatic na tumulo ang luha ko.

"Where's our baby?"

Yumuko lamang siya at hindi ako sinagot.

"Sumagot ka Xander! Nasaan si Ryder?! Nasan siya?" Tila nagkaroon ako ng lakas na hilahin ang damit niya, hindi na ako nakapag isip pa ng matino.

"Princess, calm down."  Kahit anong pigil sakin ng daddy ko ay hindi ako tumigil.

Where is my son? I need to see my son.

Tila naging hudyat 'yon at pumasok si Harris sa kwarto kasama ang doctor.

"Doc, Doc please tell me where my son is. Please. I need to see him." Nagsusumamo ako sa doktor para lang ipakita niya sakin ang anak ko.

Nararamdaman kong may hindi magandang nangyari. Kaylangan kong makita ang anak ko. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya nakikita.

"Scarlette kumalma ka. Hindi makakatulong sayo ang ginagawa mo." Tiningnan ako ng doctor ng mata sa mata. Pero wala pa ding sumasagot sa tanong ko!

"I just need to see my son kahit sandali lang. Please."

"You can't." Yun lang ang naisagot ng doktor sa akin.

Why? Bakit hindi pwede?

"Babe kumalma ka." Xander cupped my face and forced me to look at him. Nakita ko ang pagsusumamo sa kanyang mga mata. Ngunit isang masamang tingin ang isinukli ko sa kanya. Kumalas ako sa pagkakahawak niya at hinarap ang doktor.

"Please. Dalhin niyo ako sa anak ko please." Puno ng luha ang mukha ko ngunit wala na akong pakialam. I want to see my son.

"Hindi makakabuti sayo ang ginagawa mo Scar. Bibigyan kita ng pampakalma. Kaylabgan mo pang magpahinga." At pagtapos ay may kung anong itinurok siya sa akin at kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako nakawala. I feel so helpless. Unti unti akong nanghihina, nawawalan ng lakas. Inaantok. Hanggang sa nilamon nanaman ako ng dilim.

"KAILAN mo balak sabihin kay Scarlette ang tungkol sa baby niyo?" I heared familiar voices, they're talking beside me.

"I don't know. Hindi ko alam kung kakayanin niya."

"She deserves to know. Kakayanin niya iyon."

"I hope so."

"Kailangan malaman natin kung sino ang gumawa nito sa kanila." That was Harris. Alam ko na kung sino ang nag uusap, si Xander at Harris.

"It was all my fault. Kung nasa tabi niya lang sana ako nang mga oras na 'yon." Yes, Xander. This is all your fault! Kapag may nangyaring masama sa anak ko talagang hinding hindi kita mapapatawad!

"Nasaan ka ba talaga nang mga oras na 'yon?"

Wala na akong narinig pang sagot.

Diyos ko, alam ko pong hindi ako naging mabuting tao. Pero sana ay iligtas niyo ang anak ko. Ako nalang po ang pahirapan niyo. Ako nalang po.

Heto nanaman ang dilim, unti unti akong nilalamon.


Follow me on twitter @ceresvenuswp

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon