Chapter 32

31.4K 431 76
                                    

a/n: hi guys! we are so close to the ending of scar and xander's story! Please show me some love ❤️️ hit the vote button and leave a comment below, share your thoughts with me. Also please read The Second Woman, the side story of TUM. Love you guys! Xx

SCARLETTE

The house is a mess. Mukhang hindi magandang dito kami ni baby. Pero syempre kailangan naming sunduin si Daddy. I know you might think na ang martyr ko. Akala ko napatunayan ko na sa inyo 'yon. May anak na nga kami ehh, ngayon pa ba ako susuko? Gusto kong marinig sa kanya ang totoo. Maraming pwedeng mag bigay ng opinyon tungkol sa amin, pero iba pa rin kapag si Alexander ang nag explain. At isa pa, narinig ko na ang side ni Carmela.

He wasn't talking, nakadikit pa rin ang noo niya sa akin. Napansin kong medyo tumutubo na ang facial hair niya. Nakasuot lang siya ng pajama at ng isang puting t shirt. Naiipit na ang baby namin. Mukhang napapabayaan na niya ang sarili nya. Nako naman Xander!

"Babe. Maiipit si baby." Doon lang siya nag angat ng tingin at suminghot. Is he crying? Mabuti nalang tulog yung baby kundi baka nainitan na 'yon.

"Alexander, can you take a bath? Mag check in muna tayo. Hindi pwede rito si baby. Makalat at marumi." Right now I just wanna go. Gusto kong mapag isa na kasama siya. Gusto kong makapag usap kami. Pero pano ko magagawa 'yon kung pati siya hindi niya iniintindi ang sarili niya?

"I.. Yeah, can you wait in the car? Ayokong masinghot ng baby natin ang alikabok ng bahay." He said, pinahid niya ang butil ng luha na sumilip sa gilid ng kaliwang mata niya.

"You have a lot to explain mister. Bilisan mo. We'll wait for you." Maingat akong tumingkayad para bigyan siya ng isang halik sa labi. Oh, how I missed his lips.

Hinaplos niya ang ulo ng anak namin. "Wait for daddy, little boy. Okay?" Oo nga pala, ngayon niya lang nahawakan ang baby.

Bumaba muna kami ni Ryder at nagpunta sa kotse. Sinalubong ako ng driver nina mom at dad.

"Ma'am ano hong nangyare? Aalis po tayo ulit?" Nag aalalang tanong nito. He was pur driver since I was young.

"Hindi, manong Berto. Hihintayin lang si Xander sandali. Maalikabok sa taas baka masinghot ng baby eh." Binigyan ko si manong ng tipid na ngiti at tumango lamang siya. Binuksan niya ang back seat ng sasakyan at sumakay naman ako don.

Tiningnan ko ang anak ko. Woah. This amazing cute little boy came out of me. Sayang nga lang ay hindi ko man lang narinig ang unang iyak niya hindi man lang ako ang unang nakahawak sa kanya.

Sometimes I wonder, ganon ba talaga ako kasama? Ganon ba talaga ako kamaldita para mangyari sakin at sa anak ko ito? I promised myself the moment I saw my son lying on the cold, lonely bed of the NICU that I'll try my best to be a good person so when my son grows up, maipagmamalaki niya na mabuting tao ang ina niya.

There were a lot of realizations before I went here, I was a little bit mind blown pero kailangan kong makausap si Xander. I need to hear his side kahit alam ko naman na na hindi niya anak ang anak ni Carmela. Pero kung anak niya nga, ayos lang. Tatanggapin ko. Magagalit siguro sa una, pero wala na eh. Nandun na yun. Baby 'yun. Dugo at laman ni Xander.

"Ma'am. Yosi lang ho ako saglit." Kumatok si mang Berto at tumango lamang ako sa paalam niya.

Mabuti nalang at mahimbing ang tulog ni Ryder. Hindi bugnuting bata ang anak ko, konting hele mo lang matutulog na 'to. Matakaw nga lang. Pansin ko ngang mas lalo siyang bumigat nang pinayagan na ako ng doctor na mag breastfeed eh.

Tahimik lang akong nag s-scroll sa phone ko at binabasa ang mga business emails. Ilang linggo na rin akong hindi nakakapasok sa opisina. Iniisip ko palang ang trabahong babalikab ko ay na s-stress na agad ako. Parang gusto kong palakihin muna si Ryder. Siyempre, iba ang alaga ng ina.

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon