Chapter 35

31K 371 14
                                    

Start writing your story

A/N: Hi guys! First of all, I wanna thank everyone who supported me from the very start, alam kong inabot ng matagal na panahon bago ko natapos ang istoryang ito and I'm glad that it's finally done! Nakakataba ng puso na may mga tao pa ring patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa akin. Sobrang saya ko na sa simpleng votes at comments niyo dahil kahit papaano alam kong may nakaka appreciate ng mga gawa ko. Thank you for believing in me, thank you for all the love and support! I love you guys! Sabay sabay nating subaybayan ang wakas ng istoryang ito.





SCARLETTE


Ryder is latching on my left breast while I'm trying to read my favorite book. I still can't believe what happened a few days ago, nagising ako na wala na si Xander sa tabi ko, the next thing I knew was he came home and told me that Lucia is in jail. Hindi man lang niya sinabi sa akin na may progress na pala ang paghahanap nila, kaya gulat na gulat ako nang malaman ko.


"Hi babe." Bati ko sa kanya nang lumabas siya sa banyo. Amoy na amoy ko ang cologne na gamit niya. Tuwing naaamoy ko 'yon ay parang gusto kong matulog.


"Oh? Gutom nanaman ang baby?" He was rubbing his hair with a towel, umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang buhok ng anak namin.


"Oo nga eh. Masakit na nga ang dibdib ko. Kulang ata ako sa greens." Gusto ko kasi na i-breastfeed lang si Ryder, mas maganda raw kasi ang development ng bata kapag galing talaga sa ina ang gatas.


"Ipaglalaga nalang kita ng mga gulay mamaya, inumin mo ha!" Tiningnan niya ako na parang nagbabanta. I hate those soup! Madalas ay mapakla, walang lasa. Pero para kay Ryder, tinitiis ko.


Mahirap talaga maging ina. Yung tipong minsan, wala nang lumalabas na gatas sa'yo kahit anong piga mo, yung nagugutom yung anak mo at na fu frustrate ka dahil hindi mo siya mapadede kaagad. Wala ka na halos tulog dahil umiiyak siya sa gabi, oras oras gigising ka para i check kung puno na ba ang diaper niya, at may pagkakataon ding sinasabayan mo na siyang umiyak dahil hindi mo malaman kung anong gusto niya. Pero lahat 'yon, nawawala, lahat ng pagod, puyat at frustrations nawawala pag nakikita kong ngumiti ang anak ko.


"Huy, hindi ka na sumagot." Nabalik ako sa realidad nang hawakan ni Xander ang baba ko, lumingon ako sa kanya only to see his confused face.


"Ha?" I asked.


"Sabi ko, anong gusto mong kainin?" He sat on the chair next to me.


"No babe, I already ate. Kuha ka nalang ng food sa counter. Tanghali ka na nagising ehh." Inakbayan niya ako at hinalikan ang sentido ko. Oh, those sweet little things, mas lalo akong nahuhulog sa kanya.


"Oh, bakit hindi mo ako ginising? Napagod ka pa tuloy." He went to the kitchen counter to get some food, sinundan ko siya ng tingin. Parang nagugutom uli ako. Can I have him for a snack? Natawa ako nang kaunti kaya naman nakuha ko ang atensyon niya.


"Why are you laughing?" Nako, nakakunot nanaman ang noo niya. Ang gwapo gwapo! I wanna kiss the wrinkles on his forehed.


"Wala, may naalala lang." Lumipat na siya sa upuan ko at nagsimulang kumain. Habang marahan ko namang hinehele si Ryder, mabuti naman at behave ang batang 'to ngayon. Nandiyan kasi ang daddy kaya ayan, mabait.

Patuloy akong nag papasalam sa Diyos dahil binigyan niya ako ng ganito kagandang blessing. Minsan naiisip ko kung deserving ba talaga akong mabiyayaan ng isang mapag mahal na partner at napaka cute na anak. Wala na akong mahihiling pa. Well, maliban nalang sa kasal. Syempre kahit papano gusto ko pa ding ikasal. May anak na kami ni Xander, gusto kong maging legal kami sa mata ng tao at mata ng Diyos. Pero ano namang magagawa ko kung hindi pa niya ako gustong yayain ng kasal?

The Unwanted WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon