Simula"And the winner of this debate is the government's side."
Nagpalakpakan ang mga club members ko. Yes! We won again. I'm so proud of myself. Worth it and hindi ko pagsama sa squad for the past few weeks. I miss my girls, but I can't just leave my club to sail in unsure waters.
Proud akong tumayo at sumunod ang dalawa kong mga kasama. Nakipagkamayan kami sa opposition side.
It was all well. I know Izabelle Tionco, and Carlo Lejan. They're my members at maganda ang relasyon namin sa club. Vice-president ko si Izabelle at si Carlo naman ay business manager. I know too well na this is nothing personal to them.
Except for that one guy at the tail of the line.
Malamig at nanliliit ang mga mata niya nang nagkatinginan kami. Naglahad siya ng kamay. Of course, the crowd is watching, kaya't magiging 'sport' siya towards me.
As if!
Mahigpit ang paghawak niya sa aking kamay. Kahit gusto ko nang kumawala ay hindi niya ginawa. Tinaasan ko siya ng kilay. May problema talaga ang lalaking ito sa akin!
"You're too proud." Medyo galit niyang sambit sa akin.
"Oh? Well then, you're too full of yourself. Accept your defeat. Hindi personalan ang debate." At sa wakas ay natanggal ko na ang kamay ko.
This is not the first time! I swear, ever since he stepped into my club, mayroon nang laging nangungutya at nagbabantay sa mga galaw ko. At siya yun! The evil presence of Hazeam Philip Dumuerte.
Nagsimula ito noong nagkasumbatan kami sa debate na kung saan siya ang prime minister at ako rin ang prime minister ng sa akin. Bumunot na si Sir Ordillo ng topic practice topic namin, at tungkol yun sa gender equality, specifically feminism.
I am not against feminism but I am not pro to it either. Kaya lang, government side ako kaya't kailangan kong depensahan ang side ng feminism kung saan dapat daw ay implemented ito. Na dapat hindi nili-limit ang mga kakayahan ng mga babae just because they're born feminine.
It's good. I can play this off. And we should ace this debate. Nakakahiya naman kung ako mismong president ng debate club ay matatalo sa isang practice lang. Baka mag double-think pa si Sir Meñago sa pagpapadala sa akin sa Malaysia.
Yes, I will be going to Malaysia. Pero matagal pa. But I'm practicing as early as possible. Inimbitahan kami roon para makipag-debate sa mga Malaysian students ng iba't ibang school sa kanilang bansa. Nakakatakot! But I'm not consumed by the fear. I should not be!
Natalo namin yung group nila. And he seemed real angry because of it! Narinig ko siyang nagmumura at napapatingin ako sa club moderator namin dahil baka marinig siya nito. I hate the guy! But then I still find him cute. Siya ang pinaka gwapo rito sa club namin. Buti nga at pinagpala pa ako ni Lord ng gwapo! Kaso, mukhang di naman siya interesado.
Noon lang.
Hindi siya nakipag-shake hands nung araw na yun. At maraming nagsabi sa kanyang makipagkamayan.
"Come on, Haz, accept your defeat. This is just practice." Sabi ng close friend niyang si Dustin. Binigyan niya ko ng apologetic na smile.
Pati rin si Sir Ordillo ay napatungo na sa amin. Great! Napansin na talaga kami ng moderator namin. Nakakahiya!
Umiling pa siya nang umiling.
"Tss. Why would I? She didn't even mean what she said in that debate." Utas niya.
What? So what if I don't mean every words I said? It's a fucking debate! What's so wrong about defending your side!
"Mr. Hazeam, just be a sport. Miss Mina here is really a good debater and speaker, not only in this club but also in the whole school. And this is just a practice debate. I can help you defeat her in the next practice rounds." Mahinahon na sabi ni Sir Ordillo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Bad Habit
RomanceI have him. But it still feels like I may lose him any second. [Mina Cassanda T. Cho's story]