Chapter Six

48 3 1
                                    





Chapter Six



Word about the black propaganda travelled fast, and so did my irresponsibility sa club. Kahapon nga pala dapat yung presentation of debate teams ko. But then I left midway the school day. I forgot all about it dahil sa death threats kay Hazeam.

And now I've got to face the consequences.

Tinapik ako ni Izabella sa braso. Medyo natatakot pa ang ekspreskyon niya habang kaharap ako.

Umayos ako sa pagkakaupo.

"Um, kasi, Mina, pinapatawag ka ni Sir Ordillo. Sabi niya seryoso raw and immediate."

Tumango naman kaagad ako at tinungo na si Sir Ordillo sa faculty.

On the way ay nadaanan ko si Haz. Nakapamulsa siya, at nakahilig lang sa dingding sa labas ng computer lab.

Nang nakita niya ako ay lumiwanag ang mukha niya. Lumapit siya sa akin.

"Ba't ka pumasok? Delikado." Sabi ko.

Naglalakad na siya sa tabi ko. Medyo binagalan ko ang paglakad dahil gusto kong marinig ang paliwanag niya sa pagpunta sa school ngayon.

"I just wanted to protect you.."

Umiling ako. "Ikaw ang dapat na protektahan, Haz."

"Hindi naman ako magtatagal."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Half day?

"May ipapakilala lang ako sa'yo. Word spreads fast, Mina. Kailangan kitang protektahan sa lahat ng pagkakataon." Aniya.

"Anong ibig mong sabihin?"

Huminga siya ng malalim. "Sasama na ako sa papa ko from now on. Maaaring hindi niya na ako payagang kumalas. May death threats din si papa. Natatakot akong baka ikaw din ay magkaroon."

Tumigil na kami sa paglalakad nang nasa harap na kami ng faculty room.

"Ano bang pinagsasabi mo, Haz?" Hindi ko na siya maintindihan. All I get is that he wants to protect me from possible death threats. And I know it's possible dahil public ang relationship naming dalawa.

"I want you safe." Sabi niya at hinalikan ang aking noo. "I'll text you later." Aniya at agad nang umalis.

Sumunod sa kanya ang kanyang mga bodyguards. The formed a triangle behind him. I could care less for my own protection. I want Hazeam safe, at magagawa yun ng mga bodyguards niya.

How I wish na may bodyguards na maaaring magligtas sa akin sa galit ni Mr. Ordillo...

I opened the faculty room's door, and asked for Mr. Ordillo. Kumalabog na ang puso ko dahil sa kaba. I know that Mr. Ordillo will be very disappointed. And I'll do everything to make up.

Nang nakalabas na siya ay medyo madilim nga ang tingin niya sa akin. May dala-dala siyang mga folders and bond papers.

"Miss Cho? Why were you not around yesterday?"

Lumapit kaagad ako sa kanya. "I'm sorry, sir." I sighed. I could not blurt out the real reason, but I also could not lie. Kung sasabihin ko sa kanya ang tungkol kay Hazeam, maaaring kausapin niya pa ang mama ko. Mas magiging strikta lang siya sa akin.

I want to enjoy my high school life. I want to be free. Hindi yung laging pinagbabawalan.

"And the reason is?" Itinaas niya ang kanyang kilay.

Umiling ako. I can't just tell him that Hazeam and I can die any time now, can I?

"Is it Hazeam again? Sabay daw kayong nag-absent?"

Bad HabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon