Chapter Eight

31 3 1
                                    





Chapter Eight


Bumungad sa akin ang mukha ng mama kong sobrang nag-aalala na.

I looked at the dark sky. Hindi ko na alam kung anong oras na. But it's late.

Binuksan kaagad ni mama ang gate ng bahay namin nang huminto na si Haz sa harap. Bumaba ako kaagad.

Itinukod niya ang kanyang paa sa daan para maibalanse ang motor.

Kumunot ang noo ni mama, ang mga mata niya'y palipat-lipat sa aming dalawa ni Hazeam.

"O, saan ka na naman galing, Mina?"

Napapikit ako nang nagmano ako sa kanya. She will rant. I will prepare my self and my poor ears.

"Ma--"

"Sorry, tita. It's my fault. She had dinner with my family." Maagap na sagot ni Hazeam galing sa likod.

And I silently prayed a litany of gratitude for his catch. Kung ako pa ang magpapaliwanag nito kay mama ay sigurado akong hindi na naman siya makikinig at hahanap siya ng likuan para lang mai-mali niya ang ginawa kong pag-uwi ng matagal ngayon.

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ni mama. Kanina ay nagtatarayan pa siya. Ngunit ngayo'y lumambot na ito nang natagpuan si Hazeam.

Tumango-tango siya ng maraming beses kay Hazeam.

"O? Ganon ba? Eto kasing si Mina, hindi nagsasabi." Sabi ni mama. Binalingan niya ako. "May cellphone naman, tapos hindi nagte-text."

Umirap ako at kinapa ang bulsa ko para sa cellphone ko, but my eyes widened dahil naaalala kong wala nga pala ang cellphone ko rito!

Nasa bag ko yun! Na baka'y nasa sasakyan pa nina Hazeam!

Oh God!

Nagtagpo ang mga mata namin ni Hazeam at napakunot ang noo niya, nagtatanong sa kung ano ang problema.

Si mama naman ay panay ang pag-aya sa kanyang pumasok na muna sa loob. Tumalak siya nang tumalak.

"O, Mina, baka gusto pumasok ni Hazeam sa loob? Pumasok lang kayong dalawa. Magliligpit lang ako sa loob.."

Sabi ni mama at nauna nang pumasok.

Lumulutang pa rin ako habang naglalakad patungo kay Hazeam ngayon.

"Bakit?" Tanong niya.

"Haz, yung bag ko.."

Tiningnan niya ang upuan ng motor niya, na para bang naroon yun. Pero wala talaga dahil hindi ko naman dala.

We just walked out of their house. That's it.

Umiling naman si Hazeam.

"Shit."

Pinaandar niya kaagad ang kanyang motor at isinuot ang helmet.

"Kukunin ko muna. Ihahatid ko lang dito ngayong gabi."

Tumango naman ako.

"You need your things tonight, right?" Tanong niyang muli.

Tumango ako ulit. I have tons of homework, kailangan ko ang documents ng naganap ng practice debate for compilation, may quizzes din kami.

"Okay. I'll be back."

Pero natagpuan kong nasa braso niya na ang kamay ko ngayon.

He looked at me, and tilted his head to ask why.

Napalunok ako. He will go back to his house. Na ngayon ay baka mainit pa rin ang atmospera dahil sa naganap na usapan nila kanina.

And Haz wanted to get out. Sumama ako. Because I also did.

Bad HabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon