Chapter Nineteen

31 3 0
                                    





Chapter Nineteen



"Bakit ang alerto mo yata ngayon?" Tanong ni Salazar galing sa aking likod.

Nagche-check in na kami. And I can't help but feel excited. I just need to suffer almost half a day in two planes to get to Manila. But it's worth it, because I'll get my prize there.

Bahala nang halos mawala na ang likuran ko dulot ng lubusan na pag-upo.

Umiling lang ako at ngumiti sa sarili. I just really feel giddy.

You know that feeling when you first see the guy that you're liking on? Tapos nakita mo siyang muli sa sunod na araw? Tapos, kapag nakikita mo na naman siya sa mga sumusunod?

I feel the same way towards Hazeam. Ever since I laid eyes on him, hanggang sa ibinalik niya ang pagtingin sa akin, hanggang sa nanligaw siya't napasaakin siya, I never felt tired of welcoming him with a smile on my face and a light heart. Hanggang ngayon.

I guess that's what love should mean. Na lagi kang masaya kapag naririnig mo lang na magkikita kayo matapos ang ilang araw o buwan ng pagkakahiwalay.

But then I wonder how other couples still manage to be together when they're not even happy anymore? Yun bang mga mag-asawang hindi naman ngumingiti kapag magkahawak-kamay sa mga mall.

I wonder how.. I wonder why they're not happy.

And I hope I won't experience that. Gusto ko masaya kaming dalawa. That's the only way that we can reach our goal: to be together until we're old. Until death do us part.

Naghintay pa kami ng mahigit isang oras bago na naglakad patungo sa loob. At sa loob ng isang oras na yun ay nilibang ako ni Salazar sa mga pagkain.

"Ayoko niyan!" Sabi ko sabay turo sa inaabot niyang chips. Kulay green ito at parang hindi masarap.

"Masarap 'to." Natatawang sabi ni Salazar.

"Ayoko nga! Pag ako inatake ng amoeba dahil diyan, ipapa-sisante kita, sige ka!" Pabiro kong sabi.

Pero sineryoso yata ito ni Salazar, sapagkat tumuwid siya sa pagkakatayo, at ibinalik niya na ang chips nang walang angal.

Tumikhim siya.

"Sorry po, Mina. Kumuha ka na lang ng gusto mo diyan." Sabi niya.

Nailang naman ako sapagkat naging pormal na naman siya. I have no idea what we really are. And what we could become.

Maybe sometimes we are friends. Sometimes we are not. Sometimes we're okay with each other. Sometimes may barrier.

Hindi ko maatim ang pagka-bipolar ng sitwasyon na ito. I don't know how to cope up with several emotions at once. I just can't.

So I'd rather just ignore it.

Tumango naman ako at saka na pumili sa mga chips doon na pwede kong maiuwi kina Kristine sa aking pagbalik.

Nang pumasok na kami sa eroplano ay nag-iba ang posisyon ng mga upuan namin. Malaki ang eroplano, kaya't may dalawang upuan sa isang gilid, tatlo sa gitna, at tatlo sa kabilang gilid.

Hindi ko alam kung ano ang sadya ng tadhana. Because I found myself sitting beside Salazar. Nandoon kami sa bandang dalawang mga upuan lang ang pwede ma-okupa.

Nasa likod namin si sir Ordillo at sir Meñago, at nasa gitna sina Gabrielle at Alvin, katabi ang isa pang pasahero.

Abala naman si Salazar sa pagsuyod ng tingin sa paligid ng eroplano. Tinitingnan niya ang mga tao, lalo na kapag sila'y gunagalaw, sakaling naghahanap lang sila ng kumportableng posisyon, o tumutungo lang sa banyo.

Bad HabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon