Chapter Twenty-Five

28 1 0
                                    





Chapter Twenty-Five


The Dumuerte's surrounded me. Para akong isang variable ng isang experiment na pinagmamasdan at pinag-uusapan ngayon.

Lumunok ako. Tumingin ako sa malayo, sa banda kung nasaan nakatayo si Hazeam habang kinakausap si tito Romulo. I feel so down right now sapagkat wala siya sa tabi ko. He's talking to his dad, about me, and it's important, lalo na ngayon, pero I feel selfish right now.

I want to feel secure with him right now. Safe. He is my safe haven.

Kaharap ko ngayon si tita Sheera. She came from a meeting kaya't bihis na bihis siya. Her shiny pearl necklace is dangling around her neck, over her plain royal blue dress. Yung pearl ang nagpatingkad sa simple niyang suot.

Nasa tabi niya naman si tita Niña. Nasa school pa si Venice, at ipinapasundo pa lang. It's near six pm now.

Nasa kaliwa naman ni tita Sheera ay si kuya Christian, na hindi pa nagbibihis galing sa kanyang asul na uniporme. Nagtama ang aming mga mata, and he smiled at me.

Hindi kami gaanong nakakapag-usap ng kuya ni Hazeam, but we recognize each other's presence kapag nasa bahay nila ako. Ngayon lang siguro kami magkakausap nang maayos.

"Kanino ito galing?" Tanong niya.

Agad namang lumipad ang tingin ko sa katabi ko ngayon. Si Salazar. And I feel so even smaller than I did before. Ngayong kitang-kita kong nasa malayo si Hazeam, pero ang nasa tabi ko ay si Salazar.

"Kay Salazar." Sabi ko.

Matalim naman siyang tiningnan ni kuya Christian.

"Saan 'to galing, Salazar?" Tanong niya.

Umiling naman si Salazar. "Ibinigay lang yan ni Francine sa akin. Magkasama kasi kaming nagpa sign ng clearance ng mga kaibigan ni Mina. And it's a white folder too, kaya sabi niya'y baka kay Mina rin yun."

"So, galing kay Francine?"

"No! Hindi kay Francine galing yan!"

And I don't know how and why, but his loud response pierced like a sharp knife on my skin. Nagtindigan ang balahibo ko sa ginawa niyang pag depensa kay Francine.

"Relax lang, Salazar." Sabi ni tita Niña.

Nilingon ko si Salazar, na ngayon ay pulang-pula na dahil sa ginawa. He looked down, and closed his eyes. Mabilis ang pagbaba-taas ng kanyang balikat, at hinahabol niya ang kanyang hininga.

He really is mad about kuya Christian's inquiry.

"Wala bang nangyari sayo kagabi? After you received the paper?" Tanong naman ngayon ni tita Sheera.

Umiling naman ako. Kagabi, pagkatapos kong mabasa ito ay pumasok na ako kaagad sa loob ng bahay, at isinarado ang lahat. Binati ko si mama na nanonood ng paborito niyang teleserye, at pumasok na kaagad sa kwarto, saying nothing about what I just received, dahil baka magwala siya sa pangamba at takot.

"Wala naman po, tita."

Tumango siya.

"You should be celebrating, dahil tapos na ang final exams mo. Pero, delikado. What if, nagmamasid lang pala ang taong nagbigay nito sa iyo?"

Tumango naman ako. Today marks the end of my grade ten year. Moving up na lang, at ilang buwan ng pagpapahinga, at papasok na ako bilang Senior High.

Nag-alok sina Kristine kanina

"Okay lang naman, tita."

Nakita kong lumapit sina tito Romulo at Hazeam sa amin. Tumuwid naman ako sa pagkakaupo. Agad na umalis si Salazar sa aking tabi, para pagbigyan ng upuan si Hazeam.

Bad HabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon