Chapter Fourteen

29 5 0
                                    





Chapter Fourteen



May campaign na pinaghahandaan sina tito Romulo sa Manila.

Tumutulong ako kaya't mas napapadalas ako sa kanila Hazeam ngayon. Kumpara noon, may rason na talaga ako.

Pumunta kami ni Hazeam sa baba ng bahay nila para masubukang i-print ang malaking tarpaulin na ididikit nila sa malaking bus nila't mga sasakyan. Pati na rin mga sticker.

Naka sando lang si Hazeam ngayon dahil mainit na naman ang panahon. Abala naman ako sa pagpunas ng pawis niyang tinatanggihan niya.

"No, it's okay, Mina." Sabi niya.

Napapangiti naman ako at mas idinidiin pa ang  tuwalya sa mukha niya.

Idinala namin ang laptop niya rito sa baba. Umupo ako sa may upuan at hinarap na yung laptop na nakapatong sa maliit na mesa.

Gagawa na naman siya ng video na ilalabas niya sa social media, to campaign for his dad. Kanina ko pa itong nire-replay.

"So, anong reaction ni tito nung nalaman niyang ikaw yung may gawa nung isang advertisement niya?" Tanong ko.

Nagkibit-balikat siya.

"He was shocked, of course. At nagpasalamat siya."

Tumango naman ako.

I'm so glad na wala namang ibang kaguluhan ang napadaan ngayon. Nawala na yung black propaganda, nawala na rin yung death threats.

But they still want to make sure, kaya't I'm still spending a lot of time with Salazar.

Naghihintay na lang ako sa gagawing pagtutol ni Hazeam sa pagiging magkaibigan namin. Pero hanggang ngayon ay wala akong naririnig sa kanya.

He's all about his campaign with his dad, yung kaayawan niya sa exposure, yung minsan na binabastos sila ng media at hindi sinusunod ng mga tao.

Naiintindihan ko naman. He's deprived of living a normal life. A normal and peaceful one.

Ano kaya ang magiging buhay ko kapag magpapakasal na kami?

"Tahimik mo." Puna niya nang nagsimula nang tumunog ang printer at nagp-print.

Tumungo siya sa akin. Umupo siya sa sahig, sa gitna ng hita ko, kaharap ang mesang pinaglalagyan ng laptop.

"Are you okay?" Tanong niya uli habang pinapagalaw ang mouse.

He's starting to render the video.

"Yeah. Um, maganda yung video.." Sabi ko.

Tumango naman siya.

Patalikod ay hinawakan niya ang hita ko't pinisil ito ng isang beses. It sent an electricity up and down my body.

"We're okay, right?" Tanong niya.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Hinarap niya ako.

"We're okay.." Sabi niya at lumuhod na.

"Ano bang pinagsasabi mo, Haz?" Of course we're okay! Why would I be here kung hindi?

Ipinagsalikod niya ang mga daliri namin.

"Don't believe the media, okay?" Sabi niya.

"Ha?"

Umiling siya.

"Basta, don't believe the media. We're okay."

Tumango na lang ako kahit na wala namang saysay ang sinasabi niya. If he's trying to emphasize na sikat na nga siya ngayon because of his dad and his looks, mas lalo lang lumakas at humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya.

Bad HabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon