Chapter Twenty-ThreeBinigyan ko ng matalim na tingin si Francine. And all my values suddenly disappeared. I looked at her, from head to toe. Naka-uniporme siya. Walang puting medyas na suot. May scarf. At suot niya rin ang ID niy.
Itinaas ko ang kilay ko nang tiningnan ang imahe niya sa ID niya. She looked flashingly white in that picture. Yes, she has fair skin. Makinis pa nga. At may pagka-tsokolate ang kulay ng buhok niya. Mahaba ito at matuwid. Healthy hair that frames her heart-shaped face.
Ngumiti naman siya sa akin at ibinaba ang mga mata sa mga folders na kanina'y nasa mga kamay niya pa.
"Buti naman nagawan namin ng paraan ni Salazar na mapirmahan ang mga clearance niyo. Naka-take ba kayo ng exam?" Tanong niya.
Tiningnan ko lang siya, kaya't napatikhim si Salazar sa tabi niya at siya na mismo ang sumagot para sa akin.
"First day pa naman. At reasonable naman yung excuse. Diba nakausap na natin yung adviser nila kanina?"
"Ay oo nga." Lumiwanag pang lalo ang mukha ni Francine. "Good thing you approached me! Close kami nung teacher na yun!"
Napataas na naman ang kilay ko. What is this, ex with benefits? Gamitan lang ba? I'd be glad kung yun lang naman pala talaga ang pakay ni Salazar sa kanya. Na effort na yun, to use his ex as a way to sign mine and my bestfriends' clearances.
Hindi sinasadya, napatingin na naman ako sa tattoo na nakaukit sa kamay ni Francine.
"Isinakay ko lang siya, Mina, as a favor dahil nga sa ginawa niyang pagkausap sa adviser niyo--"
"Natin." I said.
"Natin." He corrected his pre-statement.
"So, inayos mo rin yung time ng exam mo?" Tanong ko.
Tumango si Salazar. "Sabay-sabay kong ita-take ang mga exams bukas."
"Nakisabay lang ako kay Salazar, Mina, dahil susunduin ko si Xela."
Napatingin naman ako sa kanya. Xela. Right. What is their relation, even? Are they really that close na pumupunta talaga si Francine dito upang makipagkita lang sa Xela na yun?
"Why? Kaanak mo ba si Xela?"
Tumango naman si Francine.
"Xela is my cousin."
Nagkibit-balikat na ako. I give up on this situation. It's stressing me out, and I don't want to absorb any more negative energy, lalo na't may last set of exams pa kami bukas.
I just really need to see Hazeam right now.
"Okay, we'll go now. Susunduin namin si Hazeam." Sabi ko, sabay lakad patungo sa front seat. But then I froze midway nang abutin ko na ang handle. Then I withdrawed my hand.
Whatever stench Francine made on that seat, I don't want it on me.
Kaya naman, bumaling ako sa pinto ng back seat, at inabot na ang handle. Hinila ko ito at nabuksan nang tuluyan ang pinto.
"Oh, si Hazeam? Is he going home already? Pwede bang pakisabi na rin na 'hi' from me?"
The hell would I do that. And are they friends? Or what? Are they ex-lovers too?
"Why would I do that?" Hindi ko napigilan na lumabas ito sa aking bibig.
Nanlaki naman ang mga mata ni Francine sa naging asta ko.
Napakunot naman ang noo ni Salazar sa akin. But I just rolled my eyes at him. At hindi na tiningnan pang muli si Francine.
Idiniretso ko na ang tingin ko sa upuan, at umakyat na papasok. Lumapit naman si Salazar, pagkatapos na may sabihin kay Francine na nagpatango sa kanya at nagpalakad palayo, at ipinagsarado ako ng pinto.
BINABASA MO ANG
Bad Habit
RomanceI have him. But it still feels like I may lose him any second. [Mina Cassanda T. Cho's story]