Chapter Four"Ma?"
Tumatawag na ako kay mama ngayon. I can't help it! Kating-kati na ako sa lahat ng ito. Hindi na ako mapakali.
Hindi na nag reply si Haz. Kanina ko pa siyang na-flood ng texts. Pero hindi siya nagre-reply. Who knows what is happening right now! I'm sure he's not relaxed! Because I'm not! At ako pa nga ang hindi nakatanggap ng death threats!
"O? Mina? Ano? Faster, kasi may delivery pa ako." Sabi ni mama.
Nagde-deliver na siguro siya ng ini-bake na cakes niya ngayon. This is her hobby. Hindi naman siya ipinapatrabaho ni papa dahil kaya naman daw niya.
Pumikit ako. Isinarado ko ang pinto ng restroom para walang makarinig. I checked each of the cubicles.
Walang tao. Good.
"Um, ma? Pwede po ba akong mag half day?"
I braced my ear sa posibleng pagkawasak nito. Hindi ito magugustuhan ni mama. Absent na ako kahapon, tapos magha-half day pa ako ngayon. She'll think I'm being lazy!
"Ano?!"
Ayan na. Sumisigaw na siya.
"Ano ba Mina! Bakit?! Paano yung attendance mo sa school, ha?! Nagpapabaya ka ba sa studies mo? What about the honors?"
Umiling ako. Oh if only I can tell her the truth. Pero hindi pwede. Alam ko kung paano makapag-react si mama. Kapag malaman niyang nakatanggap si Haz ng death threat, at pupuntahan ko siya, hindi talaga siya papayag dahil madadamay pa ako! I can't leave Haz now!
"No, ma. Basta ma. Please! Please??" I am out of words. I can't think of a reason. I can't think of a lie.
Agad akong lumabas. Kanina pang nag-bell na hudyat ng klase. I don't care. I'm going.
Sometimes you have to make a decision between two important choices. But then, Haz is closer to my heart. Siya ang may buhay. Siya ang mas importante.
Bumaba ako sa hagdan.
"Mina--"
"Ma, I'll explain later. Pagalitan mo na ako mamaya all you want. Pero kailangan ko na talagang umalis." At ibinaba ko na ang tawag.
I'm sorry ma. Pero mas magiging sorry ako kapag mawawala si Haz.
Break time na ngayon ng grade seven at grade eight. Ako na lang ang grade ten na naglalakad ngayon. Pinagtitingnan nila ako.
Nang nakalabas na ako sa canteen ay naglakad na ako patungo sa gate one. Mainit na ang araw. Tinutusok-tusok na ang balat ko. But these are steps that will lead me to Haz.
Nang nakaabot na ako sa guard house ay nag-isip na ako ng mga excuses, ng mga jamming na magagamit ko para palabasin niya ako. Hindi kasi sila nagpapalabas ng mga studyante unless may excuse slip galing sa principal.
Maybe I can say na ipina-excuse ako ng teacher at pwede na raw na walang slip dahil nagmamadali. But then, what's the rush for?
Crush that! Don't be stupid now, Mina! You're a good liar. Bakit nauubusan ka ng nalilikuan ngayon?
I can act like I have a bad tummy ache..
I can cry...
Pero hindi talaga eh! It will not work! May phone sila. Isang tawag lang, buking ako! Shit!
Magpasundo na lang kaya ako kay Haz?
Tumutulo na ang pawis ko, pati ang luha ko dahil wala talaga akong maisip na palusot, pero nang nadatnan kong walang tao ang guard house, nawala kaagad ang bara sa lalamunan ko.
BINABASA MO ANG
Bad Habit
RomanceI have him. But it still feels like I may lose him any second. [Mina Cassanda T. Cho's story]