Chapter Eighteen"Huh?" Napabulong na ako sa sarili ko dahil doon.
"Oh?" Sabi ni Fe sabay tingin sa akin.
Si Esteban naman ay tila naguguluhan pa rin siya. Nang napatingin siya sa akin ay umiwas naman ako at saka tiningala si Salazar.
Mas napadikit lang tuloy ang ulo ko sa katawan niya. Sa tiyan niya.
Sa tiyan niya o..
Bahagyang gumalaw si Salazar dahil tila hindi siya naging kumportable sa kung ano. Kaya naman itinuwid kong muli ang ulo ko para matingnan na ang mga mata sa mesa.
"Um.." Simula kong sabi pero pinutol kaagad ako ni Molina.
"I'm really sorry, Salazar. We thought.."
"No, it's okay." Sabi ni Salazar. At natagpuan ng mga kamay niya ang aking mga balikat.
"I'm sure Mina's okay."
Tumango naman silang lahat. Pati rin si Esteban. At naging maluwag na ang loob ko dahil doon.
Because finally, I feel like spreading my wings and flying, with no string attached to my feet.
Nang natapos ang event ay malapit nang mag midnight nun. We decided to stay as late as this time, dahil isang araw mula bukas ay aalis na rin kami.
Inuna namin ang paggala rito at inilagay na sa huli ang kompetisyon, pati na rin ang awarding, dahil para nasa huli na ang miseryo.
Yun ang sabi nina sir Ordillo at sir Meñago.
"Whether we win or lose, we stay winning, because we made it this far." Sabi ni sir Meñago sa aming tatlo ni Alvin at Gabrielle.
"Kaya't dapat wala kaming makitang iiyak mamaya ha. Because we're winners." Sabi ni sir Ordillo.
Tumawa naman si Gabrielle sa tabi ko.
"No one will cry. Not ate Mina or even kuya Alvin. You taught us to be sport." Sabi niya na nagpangiti kina sir Ordillo.
Tumango si sir Meñago at tumingin siya sa direksyon ko. Saka naman ito napalipat sa likod ko.
Naramdaman ko na ang presensya ni Salazar galing sa likod.
"You did really well yesterday, Mina." Sabi niya. "I'm sure Hazeam will be proud of you."
At hindi ko alam kung bakit napatingin muna siya kay Salazar bago tumalikod.
What happened last night still bothered. Papano, he was flooded by questions. And showered with attention by more Malaysian girls.
Kaya't hindi ko na siya nagawang kausapin pa. Gusto ko siyang kausapin para pasalamatan sa ginawa niya. Even if he didn't have to reach that far...
That far where he has to pretend to be my boyfriend. Dahil pwede niya namang sabihin that I'm taken by someone else.
But then that won't be effective. Because there's not enough evidence to support the claim.
But whatever! Why am I even bothered. Ang importante ay hindi na ako papansinin ni Esteban.
At hindi niya na nga ako pinansin nang nakadaanan ko siya sa hallway papunta ulit sa venue ng awarding ceremony.
Nag-iwas siya ng tingin. Iba na ang mga kaibigang kasama niya ngayon. Mukhang patungo yata sila sa banyo.
Nang nakaupo na kami sa aming mesa ay naramdaman ko naman na umupo na rin na umupo si Salazar sa tabi ko.
And I think that this is the right moment. The right moment to thank him, because I failed to do so last night.
BINABASA MO ANG
Bad Habit
RomanceI have him. But it still feels like I may lose him any second. [Mina Cassanda T. Cho's story]