Chapter Nine

35 4 0
                                    




Chapter Nine


May dumating na na mga sasakyan sa harap ng bahay nina Hazeam. Agad kong kinuha ang bag galing sa bodyguard at iniwan na siya roon.

Dumiretso ako sa pinakaunang sasakyan, at lumabas doon si Haz.

"Sorry, Mina. They forced me to ride in the car."

Nakita kong umiiling-iling na si tita Sheera.

"Wag ka nang magpadalos-dalos sa susunod, Haz. Baka nang dahil sayo'y mamatay pa tayo nang sabay-sabay."

"Sheera!" Awat naman ni tito Romulo.

Nakababa na silang lahat. Inakbayan ako ni Haz, at mas inilapit ko naman ang sarili ko sa kanya.

"Pa, pagsabihan mo na si Hazeam. He's acting like a child that can't be tamed!"

Umiling lang si Haz sa tabi ko at hinalikan ang ulo ko.

"That was like a trap, already! Tayo lahat, sa iisang lugar? Who knows--"

Umiling si tito Romulo.

"Nothing will happen. Kaya't wag mong pangunahan ang mga mangyayari. Besides, you're the mayor of this city. You should make sure na walang madadapuan ng bala, hindi lang sa pamilyang ito, kundi pati na rin sa buong siyudad." Sabi niya.

Isang beses niya akong tiningnan at saka naglakad na papasok ng bahay.

Sumunod naman sina tita Niña, Venice, at tita Sheera.

Huling sumunod si kuya Christian. Lumapit muna siya sa aming dalawa.

"Pinakilala mo na ba siya kay--"

Marahan siyang itinulak palayo ni Haz. Tumawa naman siya saka umiling.

"Pakilala mo na!" Aniya at pumasok na sa loob.

Hinarap naman ako ngayon ni Hazeam. Tiningnan niya ang bag kong hawak ko na at tumango. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan nila.

"Let's get you home."

Sa sumunod na araw ay naganap na naman ang practice debate. Wala parin si Hazeam sa listahan.

Hindi na naman siya pumasok sa paaralan. Parang ipapa-home school na yata siya kapag tumagal. And the thought made me sad.

Siya yata yung isa sa mga rason kung bakit nagagalak akong mag-aral. Because I'll see him. Pero ngayon, nawawala na.

Sana lang ay hindi ako mawalan ng gana.

Haz: dinner ako sa bahay niyo mamaya.

Nanlaki naman ang mata ko. What the hell! Bakit ngayon niya lang sinabi? Baka hindi pa pumayag si mama sa gusto niya.

At bakit naman siya makikikain sa bahay? Mas masarap ang pagkain sa bahay nila kumpara sa amin.

At, hindi rin madalas ang pagbisita niya sa bahay namin. Baka raw kasi'y magalit si mama't pagbawalan pa siya.

So why now?

Ako: ba't ngayon ka lang nagsabi?


Haz: I'm already here. Nainform ko na ang mama mo.


That just made me more eager to speed up this practice debate. Walang hinto akong nagtalak at mahigpit ako sa oras ng preparation nila.

"Para makapag practice talaga kayo ng maayos! Walang extension of time kapag nasa formal debate na kayo. So, let's go! Let's start!"

Sabi ko sabay palakpak. Rason ko lang yun para mas mapabilis itong oras na ito. I feel like I'm suffering habang tumatagal ang pagtayo ko rito.

Medyo natatawa ako habang pinapanood ang mga miyembro kong nahuhulog na ang mga papel at lapis sa sahig dahil sa pagmamadali.

Bad HabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon