Chapter Twenty-Two

23 4 0
                                    





Chapter Twenty-Two



Salazar: Si Manong Antonio lang ang makakasama mo bukas, Mina. May importante akong gagawin bukas.

Ako: bakit?

Napakagat ako sa aking labi pagkapindot ko ng send doon. Parang iba kasi ang tono ng tanong. Parang maaaring pagbawalan ko siya o ano.

Naghintay naman ako sa kanyang sagot, pero sumapit nalang ang umaga at nakatulog na ako ay hindi pa rin ako nakatanggap ng kahit anong sagot.

Bastos.

But then maybe he doesn't have to reply. He is not obliged to. If I force him to, he might question me and my hold over him.

Of course, hindi naman siya para sa akin nagtatrabaho. He's working for tito Romulo and Hazeam. Nadamay lang ako dahil may relasyon kami ni Hazeam.

Kinabukasan ay si manong Antonio na nga ang nag-aabang sa akin. Binati ko naman siya at sinimulan na ang araw.

The last month of school was hectic. Mas maraming papers na pinapaasikaso sa akin dahil president ako ng club. At mas maraming nagpapa-sign ng mga clearance.

Wherever I go, I have fans, dahil nga sa mga club members kong nagpapa-sign sa kani-kanilang mga forms.

"O? Bakit wala si Salazar?" Tanong ni Kristine.

"May inasikaso." Sagot ko.

"Ha? Ano?"

Hindi ko na siya nasagot pa nang may tatlong mga babae na namang nangangailangan ng pirma ko sa papel nila.

As part of the batch who is moving up, ay maaga kaming magta-take ng final examinations. Sa first week of March ang itinakdang two-day finals namin.

So I got even busier. Tutok sa mga aaralin at ipapasa.

Linggo, isang araw bago ang exams ay nakadapa lang ako sa kama, abala sa pagbasa ng libro sa Science, pero mas abala sa paghintay sa text ni Hazeam.

Napukaw naman ang loob ko nang biglang umilaw ang screen.


Haz: don't overstress yourself, Mina. You should sleep. Madaling araw na.

Napatingin naman ako sa orasan na nakasabit sa dingding ko. It's two am in the morning and I'm still up. Klase pa mamaya.


Ako: hindi pa ako tapos...

Haz: I wish we could study together.


Napangiti naman ako.

The days after his cousin died ay binigyan ko muna siya ng mga ilang araw na makapagpahinga at hindi muna makipag-usap sa akin.

I figured that the case was really serious, at hindi muna dapat niya ako alalahanin. Dahil pamilya niya ang dapat na mas tinututukan niya.

Fortunately, hindi na nasundan pa ang trahedya. Wala nang nanakit sa mga miyembro ng pamilya nila. Pero mas dumami ang mga bantay na nakaaligid sa kanila.

Life must be hard for Hazeam. Even harder than how I already assume it to be difficult. Mahirap maging tagapagligtas ng lipunan, lalo na kapag papatayin ka naman nito kahit na hindi ka pa nakaupo.

I understand how many are scared of tito Romulo. He is focusing on peace and order, kaya naman, mahigpit siya pagdating sa pagpatay ng taong karapat-dapat na hatulan nito.

Words from the crowd buzzed na may mga tao raw na may planong litisin o dayain ang botohan upang hindi manalo si tito. Simula pa nga lang sa black propaganda na ipinakita sa telebisyon ay hindi na imposibleng may aayaw nga.

Bad HabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon