Chapter Three

48 3 20
                                    





Chapter Three



Umagang-umaga ay grabe na ang putak ng bunganga ni mama. Para bang may giyera at isa siyang canyon na bumubuga ng malalaking bomba na kahit saan nalang pumuputok. Parang fireworks.

Narinig kong bumukas ang pintuan ko.

"Hoy, Mina, my anak. Absent ka na yesterday, absent ka rin today?" Napangiti ako sa boses at salita ni mama. I can't help it! She's funny and cute kahit na hindi niya namamalayan.

Umupo ako sa kama at kinusot ang mata. Shit. Tama, papasok pala ako ngayon.

"Ikaw ah, you are so tamad na." Umiiling-iling si mama. "Ligo na. May food na. Eat breakfast na. Go na." At lumabas na siya sa kwarto.

Tumayo ako at dali-dali nang pumasok ng banyo. Iritado na ako na naiiyak dahil baka late na naman ako ngayon. Kainis! Bakit nga ba ako hindi nakapag-alarm?

Nagtatanong pa ako, eh alam ko naman ang sagot. Napairap ako. Nasasanay na akong ginigising ni Haz araw-araw. Ngayon, hindi niya ako ginising.

Naligo na ako bago pa ako makapag-isip ng ibang nakakapanlumong dahilan sa ginawa niya. Baka mas masira pa ang araw ko.

Kumain akong mag-isa. Umalis na daw sina ate at Chris kanina pa. Kainis. Hind lang ba naman ako ginising?

Humarap muna ako sa salamin at itinali ang buhok. Magiging mainit ang lakad ko ngayon patungong school dahil alas syete na at tumitirik na ang araw, dagdagan pa na rush hour na, magiging mausok at lalabas ang init ng mga makina ng mga sasakyan, kaya't magiging mainit talaga.

Even though I want to start this school day fresh, like any other day, I can't, kasi hindi naman ako hinahatid. Nilalakad ko lang ang maliit na distansya ng school at bahay namin.

Medyo malapit lang naman.

Lumabas na ako sa bahay at nagsimula na. Nakaabot na ako sa bukana ng aming subdivision, at kitang-kita ko na ang naglilinyahang mga sasakyan.

Mas binilisan ko ang lakad ko. I'd like to think that I'm racing with the cars, and I always win. Unfair, I know. Because they will never win in between traffic.

Life is like that. Maraming daya.

Naglakad na ako sa loob at patungo sa gate one. Nang nasa gate na ako ay binati ko ang guard doon na close na close ko na.

"Late ka na, Mina!" Pabiro niyang sabi sa akin.

"Oo nga eh." Sagot ko. "Sige po, kuya guard. Shortcut na lang ako."

"Sige, sige. Ingat."

Lumiko ako sa kanan, kung saan ang shortcut. Mas mabilis dito dahil dire-diretso lang ang daanan. Kung sa main road pa ako galing sa gate one maglalakad, liliko pa ako at lilibutin ang campus. Mas matatagalan ako.

Medyo maputik ang daan dito sa shortcut. It is not concrete yet. Bago lang din naman kasi ito ginawa. Ever since nagsimula ang construction ng isa pang building para sa senior high dito na campus, ay gumawa sila ng daan para sa mga malalaking truck na magkakarga ng lupa at semento. Baka kasi makagambala sila o madumihan ang daan.

Plus, they also don't want the workers to mix up with the students. Baka kasi'y may mangyari.

Naaawa man ako sa mga tingin ng school sa kanila, hindi ko naman din yun maide-deny, dahil medyo bastos naman talaga sila.

"Hi, ganda!" Sabi sa akin ng isang mukhang manyak na trabahador.

May mga nakisali na rin sa kanya. One time, pinalibutan nila ako rito, nung mga five pm na akong nakauwi at medyo madilim na. Buti na lang, dumating si Haz nun.

Bad HabitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon