Nothing worth having comes easy
--------
Kasalanan ko 'to lahat eh. Kung sana hindi ko nalang siya iniwan. Sana hindi ko nalang sila iniwan. Sana buo pa kami ngayon. Sana okay pa ang lahat. Sana andito pa siya. Sana hindi nalang siya nawala.
Isang taon na ang nakalipas hindi ko padin makalimutan ang nangyari. Galit kaya sila sakin? Simula kasi ng mangyari yun wala na akong kinausap. Kahit mga magulang ko madalang ko ng kausapin.
Lagi lang ako nakakulong sa kwarto. Pati mga social accounts ko hindi ko na binubuksan. Naging tahimik ako. Natrauma na ata ako dun sa nangyari at nakita ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Sana graduate na din ako ngayon. Sana nakakapagtrabaho na ako para makatulong. Kaso tumigil ako eh. Sobra akong natakot. Na baka may mawala na naman na mahalaga sakin.
Ayaw ko na. Hindi ko na alam. Gusto ko na sila makita dahil miss na miss ko na sila pero ayaw ko sa ganung paraan. Alam ko malungkot padin sila. Baka nga nagalit din sila sakin eh.
"Mag-eenroll na ba tayo? Sayang naman kasi eh." Sabi sakin ng nanay ko
Kita ko nag-aalala padin siya sakin. Wala pa din kasing nagbago sakin. Sobrang tahimik ko lang. Parang laging may nakabara sa lalamunan ko.
"Sige po." Sabi ko at pinilit kong ngumiti pero hindi ko talaga kaya eh.
Ang sakit-sakit mawalan ng kaibigan. Yung laging nandyan para sayo. Yung pinagkakatiwalaan mo. Yung nagpapasaya sayo. Yung buong tiwala ang binibigay mo sakaniya o sakanila. At higit sa lahat, alam mong hinding-hindi ka nila iiwan. At mahal mo sila.
Nilapitan ako ng nanay ko at niyapos ako. Wala na akong nagawa kundi ang umiyak na naman. Hangang kelan ba ako iiyak?
"Shh. Lilipas din yan. Time lang."
Time never heals. It just lets you live with the pain. Tumango nalang ako. Pati sila nadadamay sa kalungkutan ko.
Kamusta na kaya sila? Masaya kaya sila? Napaltan na kaya nila ako? Galit kaya sila sakin? Okay lang kaya sila? Iniisip din kaya nila ako?
Andaming tanong sa isip ko. Hindi ko naman masagot-sagot. Hindi ko na kasi binubuksan mga accounts ko eh. Kaya wala akong balita sakanila. Pero may letter silang binigay sakin.
Pero hangang ngayon hindi ko pa binabasa. Natatakot ako sa kung ano man nakalagay dun. Isa o dalawang buwan pagkatapos kong umalis sila nagpadala ng letter.
"Sige ha. Aalis muna ako. Aayusin ko lang mga enrollment mo. Wag kang aalis ah?"
Tumango nalang ako at narinig ko nalang na lumabas na siya sa kwarto ko. Nag-iisang anak lang kasi ako eh. Yung tatay ko naman busy sa trabaho kaya wala siya ngayon dito.
Tumingin ako sa bintana ko. Mahangin sa labas pero maayos naman ang weather. Naalala ko pa nun, pagka ganyan ang panahon nagb'bonding kami sa park nun o kaya sa may beach para makita lang ang sunset. O kaya naman ay magkakantahan kami sa park ako yung guitarist nila. Sila naman ang mga singer. Or minsan isa samin ang magigitara kami naman kakanta.
Napatawa nalang ako ng mahina ng maalala ko yun. Sobrang saya namin. Hindi man kami kadamihan, masaya naman kami sa company ng isa't isa.
Sa mga time na ganito, yung naiiwan ako sa bahay, nanunuod lang ako ng TV, kakain. The same routine everytime. Parang nawalan na ako ng gana gumawa ng kahit ano.
I never really had fun here sa States. Nalabas-labas naman ako sa bahay pero just to go sa mall pag may mga kailangan akong bilhin sabay uuwi na din ako kaagad.
Never din akong nagka friends dito. Well, kasalanan ko din naman yun. Kasi kahit saan ako tumingin naaalala ko lang lahat. Hindi ko alam kung anong naging kasalanan ko at naging ganito ang buhay ko. I'm such a burden.
Madami na akong nasaktan. At, ayaw ko na silang madagdagan pa. It's already enough. I'd rather hurt myself than hurt anybody else. I'm the one who should be hurting, not them. I wish I could say sorry.
I just don't know how. I don't know what to do... I'm sorry.
--------
Author's Note: Haloooo! New story ko po 'to. Sana basahin niyo xD may iba din po akong stories. You can find it in my profile. Thank you!