'Shit' kakagising ko palang napamura nako sa sakit ng likod ko.Ang tanga tanga mo naman kase talaga! Dapat kase di ka kumapit ng mahigpit sa sinapupunan ng nanay mo!!! De sana di mo nararanasan ang hirap ng buhay ngayon.
Hindi ko agad napansin na may luha na palang tumulo sa kaliwang mata ko. Pinunasan ko yun agad dahil ayokong may makakita ng kahinaan ko. Nagagawa ko mang itago sa ibang tao ang nararamdaman ko, di ko naman ito kayang itago sa sarili ko.
Ganto araw araw, sanayan lang naman yun. Yung e kung masasanay nga ako sa gantong buhay. Kung pwede lang mamili ng pamilyang kabibilangan mo, kaso hindi naman pwede.
"PATRICIAAAA! Alas nuebe na nakahilata ka pa rin jan? Wala ka talagang silbi, napakabatugan mo! Imbis na magpasalamat ka dahil kinupkop kita ganyan pa gagawin mo?!" Sigaw ni nanay. Laging ganyan, alam ko naman na ampon lang ako kaya iba ang trato nya sa akin kumpara sa mga kapatid kong mas bata ng bahagya sa akin pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit di ako masanay-sanay. Ilang beses kong tinanong sa sarili ko: Bakit kaya nya ko inampon? Ginusto nya kaya yun?
Agad akong tumayo kahit na parang matutumba ako sa sobrang sakit ng katawan ko. Napaaray pako nang masagi ko ang hamba ng pinto sa pagmamadali. Baka humaba pa sermon ng nanay kong laging beastmode.
'Magmemenopause na ata.' Mahina akong natawa sa sinabi ng isip ko. Siempre di ko pwedeng iparinig yun baka mapalayas ako! >_<
"Ilang beses ka bang dapat tawagin ha! Bumili ka ng almusal nagugutom na ko! Anak ng.." bulyaw nya. Ayan na nga ba sinasabi ko. >_<
"Sorry po, masakit po likod ko, nahirapan po ako bumangon." Tumalikod ako at pilit kong kinakalma ang sarili ko para hindi ko siya masagot. Kahit ganyan yan, kahit malaki ang galit ko jan ay hindi ko maiaalis sa isip ko at kahit pagbalibaliktarin man ang mundo, nanay ko pa rin yan at dapat galangin ko.
"Paanong hindi sasakit ang likod mo e anong petsa na nakahiga ka pa rin? Isipin mo nga yang pinaggagagawa mo! Napakabatugan mo! Ni hindi ka na nakatulong!" Sermon nya.
Tumalikod na lang ako chaka naglakad palabas bahay habang kagat ang ibaba kong labi. Nagunahang kumawala ang mga luha sa mata ko. Tatanggapin ko sana yung sinabi nya kung totoong batugan talaga ako kaso hindi e. May karapatan ba akong magreklamo? Wala naman diba? Kaya kapag ganun ay mas pinipili ko na lamang na tumahimik.
'Kung alam nya lang kung anong nangyari kagabe.' Bulong ko sa sarili.
"Ma'am sige po, uwi na po ako. Salamat po, sa susunod na lang po ulit." Paalam ko kay Mrs. Tuazon pagkaabot nya sa akin ng sobre na naglalaman ng kulang isanlibong piso. "Sige hija, magiingat ka. Huwag kang magalala sa susunod na may magpacater tatawagan agad kita." Binuksan nya ang pinto ng kanyang itim na Mazda 3 at chaka pumasok sa loob nito Ngitian ko na lang siya bilang sagot chaka naglakad pauwi.
Binilisan ko ang paglakad nang inakala kong may nakatingin sa akin. Sandali akong huminto at tinignan ang relo ko. Mag aala-una na pala. Masyado nang madilim sa daan at patay na ang karamihan sa mga ilaw ng mga bahay kaya kailangan ko nang magmadali. Sa shortcut lang ako dumaan at naglakad nalang. Wala pako sa kalahati nang nilalakad ko ay nakaramdam na ako ng pananakit ng paa. Ano ba naman yan o! Ngayon pa ako pinulikat anak ng tokwa! Tiniis ko na lang iyun kaysa magjeep. Sayang din kase ung otso pesos na pamasahe. Panlugaw ko na rin yun bukas no!
Malapit na ko sa amin. Kinabahan ako bigla. Tinignan ko ang nasa paligid ko. Parang may sumusunod sa akin. Wala naman akong nakita. Pero kahit na, malay ko diba? Baka ano, may nagtatago lang sa likod ko tapos sakmalin ako tapos ano tapos maano nya ko. Ade naano nako? Juicecolored! Wag naman sana, gusto ko pang maranasang gumanda bago maggoodbye kay mother earth! T.T
![](https://img.wattpad.com/cover/71013306-288-k845500.jpg)
YOU ARE READING
My Worst Downfall
General FictionAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.