MWD: Chapter 2

52 2 1
                                    


Maganda ang gising ko dahil sa napakaganda good news kagabi. Oo, maganda na good pa! Wooo! Cheers! May trabaho na ako! :D

Teka. Ano nga ulit yun? Stunt double? Hay naku naman. Mukhang mapapasabak ako sa sakit ng katawan nito ah. Pero ayos na din yun kikita ako ng pera kesa yung masakit nga ang katawan, nakuhanan naman ng pera.

Nagtimpla ako ng kape at tsaka kumuha ng isang pirasong tinapay. Nagayos na ko at naghanda sa pagpasok sa school. Medyo masakit pa ang balakang ko pero kailangan ko na talagang pumasok. Hindi ako nakapasok kahapon dahil nga sa you-know-what-happened.

"Nay pasok na po ako!" Paalam ko bago tuluyang lumabas ng bahay.

Sumakay ako ng jeep pagkalabas sa may kanto. Ilang hakbang pa mula sa lubak lubak na kalsadang hindi maipagawa ni mayor ay nakarating na rin ako sa eskwela.

Harrison University

Sino nga bang magaakala na makakapasok ako sa prestihiyosong unibersidad na ito? Bukod sa ito ang pinakasikat na eskwelahan sa buong lalawigan ay saksakan pa ng mahal ang matrikula dito! Siguro'y ilang taong panggastos ko na ang per sem na tuition dito sa sobrang mahal. Karamihan ng nagaaral dito ay mga Enriquez, Reyes, Villanoel, Ty, at ilan pang mga sikat na angkan. Dito rin nagaaral ang mga anak ng mga pulitiko sa amin.

Grumaduate ako with honors sa public school na pinagtapusan ko noong highschool. Nabalitaan ko noon na nagaalok ng scholarship ang H.U kaya sinubukan ko. Wala namang masama kung susubukan ko diba? Sa kabutihang palad nakapasa ako sa exam. Mataas ang maintaining grade na kailangan kaya ganoon nalang ang pagpupursigi ko magaral. Advantage din ito sa pagaapply ng trabaho. Kapag nakita sa resume na graduate ako sa isang exclusive school sa bansa ay hindi pa ba ako makapasok? Nakakastress pagsabayin ang pagtatrabaho at pagaaral pero kahit scholar ako ay okay lang sa akin dahil pinaghihirapan ko naman ito hindi tulad nang mga anak ng mayor na ang pinangpapaaral sa anak ay kaban ng bayan!

Once in a blue moon nga kung maituturing ang ganitong mga opportunity pero sino ba naman ako para hindi ito tanggapin diba? Gaya nga ng sikat na linya ni Agnes sa forevermore 'tatanggapin ko ito ng buong puso' with taas kamay pa in the air.

Teka speaking of--- TANGGAPIN KAYA AKO SA KLASE? Tumingin ako sa relo ko. Ay shit! 20 minutes late na ako!

Binilisan ko na ang paglakad. May ilan pa akong nakakabunggo na di ko na nagawa pang lingunin dahil sa pagmamadali. Ayokong makarinig ng pangumagang sermon kay sir. Kung hindi naman si sir ang bubungad ay mukhang may ibang magsesermon sa akin ngayon. Wala talaga akong takas!

Bukas ang unang butones ng polo, nakasandal sa hamba ng pintuan, nakalagay ang dalawang kamay sa loob ng bulsa. Hay naku naman! Pag minamalas nga naman talaga!

"San ka nanggaling?" Malamig nyang tanong. Galit na naman ito!

"Goodmorning!" Masigla kong bati. Hindi ba sabi nila pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Hehehe

"Just answer my damn question patchot! Where have you been?!" Sigaw nya habang sinusundan akong dire-diretsong pumunta sa upuan ko.

"Aba loko to ha! Traffic sa bayan nakalimutan mo? Palibhasa kasi ay malapit lang ang bahay mo kaya hindi mo ramdam ang kalbaryo ko!" Sabi ko nang marealize na hindi umubra ang baitbaitan ko. Hinarap ko siya.

"Kasi naman babe you're making me nervous! First subject at wala pa akong assignment. Pasalamat ka wala pa si sir!" Paliwanag nya.

"THANK YOU! SALAMAT" Sarkastiko kong sabi. "Ikaw nalang makikisuyo ikaw pa galit? Aba magaling! Eh kung punitin ko kaya yung assignment mo?" Pagbabanta ko.

"Alam mo namang ikaw lang ang inaasahan ko babe eh." Nagpaawa epek pa. Jusme!

"Hoy mister! Bestfriend mo ako ha, hindi utusan." Sermon ko. Kala mo ha?

My Worst DownfallWhere stories live. Discover now