Mahigit alas dose na nag hating gabi at mahimbing na ang tulog nila Xyriel. Kaso heto ako, nakatingin sa kisame, pinagiisipan kung igagawa ko ba si Dj ng assignment.
Ilang minuto pang nagtalo ang isip ko kaso nanalo si konsensya. Jaraaan! Puyatan to the max makagawa lang ng assigment ni dugong.
Kahit antok na antok na ko pinilit ko pa ring bumangon. Nagtimpla muna ako ng kape para mabuhay ang katawan kong pilit akong hinihila sa kama. Minsan naisip ko mahirap din yung masyadong mabait. Tsk! Madali akong makonsensya. Konting kibot, agad na may bumabagabag sa isip ko.
Naisip ko din na kopyahin nalang sana yung gawa ko kaso lang baka mahalata ni Sir. Masipag pa naman magcheck 'yun.
*KRRRIIIIIING! KRRRRIIIING!*
*KRRRIIIIIIING!*
"Uy, di kapa gagayak? Anong oras na ha?" Hindi ko na pinansin si Flor at pinagpatuloy ang pagsulat sa papel. Biglang nabuhay ang dugo ko sa kabila ng puyat dahil nakatulugan ko yung assignment ni Dj. Kailangan ko 'tong tapusin.
Binuksan ko na ang phone ko.
11 missed calls from Dj Dugong
24 messages from Dj Dugong"Patchot please? :("
"Still awake? Please answer my calls."
"Patchot?"
Napunta ang tingin ko sa bandang itaas na part ng phone ko at-- "Shit!" Sigaw ko. 7am na at alas otso ang pasok namin ngayon!
Agad akong naligo at nagbihis. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa banyo pero minadali ko na ang pagligo. First subject namin ang Filipino at hindi ako pwedeng malate.
Naabutan ko sila sa dining area nina Xyriel habang nagaalmusal. Sinabayan ko na sila nang ayain ako at binilisan ko na rin dahil mukang patapos na sila. Nakakahiya naman kung hihintayin pa nila ako ng matagal.
"Good morning, Sir!" Bati namin pagkaupo ko sa tabi ni Dj. Saktong pagkarating namin ay kasunod namin si Sir.
Hindi pa rin ako pinapansin ni Dj simula kanina. Sino ba namang hindi magagalit kapag binabaan ka ng phone? Siguro ay expected nya na hindi ko siya tutulungan. Mainit pa naman ang ulo ko kagabi dahil sa sobrang pagod kaya hindi naging maganda ang dating ng mga nasabi ko sa kanya.
Yaan na nga! Mawawala din tampo nito pag binigay ko na yung assignment nya.
"Dj eto na..." Iniabot ko ang assignment nya.
"DJ!!"
Tumayo siya at agad na nilapitan ang babaeng tumawag sa kanya mula sa bintana na para bang hindi ko siya kinakausap.
Maganda iyon, maputi at medyo brown ang buhok. Tingin ko'y naggygym iyon dahil sa porma ng kanyang katawan.
Naiwan ang mga kamay kong nakalahad sa ere na hawak ang isang papel.
Nakonsensya ako bigla. Nainis. Ewan. Bakit kailangan pa nya humingi ng tulong sa iba eh alam naman nyang kahit kelan di ko siya nagawang tanggihan?
Ang taas ng pride! Di man lang nagsorry pinagpuyatan ko yon tapos hindi pa tinanggap. Hindi lang naman ito yung pagkakataong nangyare to. Maraming beses na di lang ako masanay. Naiinis pa rin ako. Yung halos bumaon na ung kuko ko sa palad ko kakayukom.
"Selos ka 'no?" Nilingon ako ni Cassy na lumipat muna sa upuan sa kaliwa ko.
"Hindi ah! Bat naman ako magseselos? Ganyan naman talaga yan ah?" Mariin kong pagtanggi.
YOU ARE READING
My Worst Downfall
قصص عامةAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.