Binalewala ko ang sinabi ni Dj kanina. Kahit na nakakabagabag masyado, ang sabi ni Xyriel dapat daw confident ako sa suot ko."Iparamdam mo na hindi ka affected. Na nagdamit ka hindi para sa kanya. Alam mo kasi.." Inilapit nya ang upuan nya sakin. "Ang mga lalake, oras na malaman nilang gusto mo sila lumalaki ang ulo. Feeling nila may karapatan na silang saktan ka."
Humalukipkip ako. Hindi kaya nakakaramdam na si Dj ng kakaiba? Nakakahalata na kaya siya?
"Hindi naman ako masasaktan Xy. Gusto ko lang siya pero di ko siya mahal magkaiba yun." Lumingon ako sa paligid. Umayos ako ng upo nang makitang papalapit na si Dj sa inuupuan namin.
"Indenial queen." Pahabol ni Flor.
Umusog ang upuan sa kaliwa ko. Inaasahan ko nang uupo si Dj sa tabi ko. Di naman ako umaasang magtatagal siya dito dahil sa mga babaeng gusto niyang puntahan at landiin. Yeah, the ultimate heartbreaker. Buti nalang ako, gusto pa lang. At sana hanggang doon nalang yon.
"Alam mo, you look different from other girls tonight." He winked at me.
"Ano na naman yan Danielle?!" Oh please! Tama na para sa gabing ito.
"What did you just called me?!" Binaggit ko nga pala yung first name nya. Tinignan nya ako ng masama.
"Sorry." Tuwing binabanggit ko talaga siya sa pangalang iyon laging nagiiba mood nya.
"Bakit ba kasi ayaw mong tinatawag kang ganun? Ang ganda kaya ng pangalan mo. Cool, mysterious..."
"IT'S NONE OF YOUR FVCKIN BUSINESS!" Pinutol nya ako sa pagsasalita.
Nanlaki ang mga mata ko. Kahit kailan ay hindi nya pa ako sinigawan ng ganun. Nagtataka lang ako kung bakit bigla siyang nagalit ng sobra. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Pre wag mo namang sigawan si Tricia!" Awat sa kanya ni Psyche.
"Huh.." Nagsmirk si Dj. "Of all the people I know, ikaw ang pinakanakakaalam ng tungkol dito." Naguguluhan ako. Ano bang nangyayare?
"Alam ko pre. Pero walang alam si Tricia dito, wag mo siyang idamay sa init ng ulo mo."
Padabog na umalis si Dj mula sa table namin.
"Bakit nagkaganto si Dj? Ikaw Psyche sabi nya may alam ka. Please pakiexplain naman oh!" Tanong ko. Hindi ko kayang manatiling tahimik lang dahil sa nangyari.
"Tricia kalma. Hayaan nating magpaliwanag si Psyche." Hinagod ni Yoona ang likod ko. Kalma? Hindi ko alam kung dapat pa akong kumalma.
Aaminin ko. Natakot ako sa pagsigaw nya na yon. Parang hindi siya si Dj. Parang ibang tao. Yung parang si ben10 na nagtransform. -.-
"Nagalit siya because you called him by his first name." Mahinahong sagot ni Psyche.
"What?! Dahil lang doon? This is not the first time he's been called like that." Gulat na gulat na tanong ni Cassy.
Tahimik lang ang mga boys. Akala ko ako lang ang naguguluhan pero lahat pala sila ay wala ding alam bukod kay Psyche.
"It's because everytime he's been called like that, he remembers his ex girlfriend. His first love. Siya lang ang tumatawag kay Dj na Danielle, noon. They lasted for a year but the girl cheated on her."
Nanatili kaming tulala. Nakikinig sa mga susunod nyang sasabihin.
"Nahuli nya yung girlfriend... I mean ex girlfriend nya sa acquaintance party nung 1st year tayo..."
WHAT?! IYUN YUNG ARAW NA NAGKAKILALA KAMI NI DJ.
Namangha ako. Nung mga panahong iyon ay pinapagaan nya ang loob ko pero siya naman pala tong problemado. Ni hindi ko naramdamang may pinoproblema siya. Nagawa ko pa nga siyang husgahan dahil pakiramdam ko kaya lang nya nasabi sakin yun noon ay dahil wala siyang problema sa buhay.
YOU ARE READING
My Worst Downfall
Ficțiune generalăAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.