Nanatili akong tulala habang nakahiga sa kama. Matutulog na lang ako't lahat kung ano-ano pa pumapasok sa isip kong kagaguhan na di ko mawari.
Kailan ba kita pinabayaan?
Kailan ba kita pinabayaan?
Kailan ba kita pinabayaan?
Paulit-ulit na nagflashback sa utak ko yung sinabi nya kanina. Ano bang nagyayari sakin?! Simpleng salita lang naman yon na kapag iba ang nagsabi wala lang sakin. Pero bakit pag si Dj ang nagsabi sakin mismo ng harapan... bat ganon! Hindi ko na maintindihan?
Pilit na pilit kong binuksan ang mata ko nang marinig ko ang alarm. Napahawak pa ko sa ulo ko sa sakit.
Anong oras na ba ako nakatulog kagabi?
Kung anu-ano na yata ang naisip ko at umabot pa sa puntong tinanong ko ang sarili ko kung ano ang feeling nang mainlove. Tangna mo Tricia! Anong nakain mo't naging binabae ka na?
Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad kong tinignan. Sino na naman kayang nilalang ni neptune ang nakaalala sakin?
From: DJ Dugong
Goodmorning sunshine! :*
PM ba to? Di naman marunong mag-gm 'tong tukmol na re. So nagtext siya sakin ng goodmorning tapos may kissmark? Ano to landian?
Boba! Hindi ba pwedeng ngayon lang nya naisip mag-gm sa buong buhay nya? Anak ng tinapa 'to.
Sabi ng kabilang bahagi ng utak ko.
Tama nga naman, bakit naman nya ako ip-pm ng ganon tapos may kissmark pa? Hays. Kailan ka pa nya tinext ng ganon katino aber?
Pasado alas otso na nang makarating ako sa school. Naka oversized shirt lang ako na kulay black at denim pants. Di na ko nakapaglaba ng damit kagabi. Di din naman matutuyo iyon dahil dalawang araw nang walang tigil ang ulan.
Muntik pa nga ako hindi papasukin ng guard dahil naka civilian lang ako buti nalang at dinala ko yung blouse kong uniform kahit madumi. May maipakita lang akong pamalit. Mautak talaga ko. Witty, i know!
"May load ka ba?" Pambungad na tanong ni Dj nang makasalubong ako sa hallway.
"Oo di pa naman cut unli ko, bakit?"
"May load naman pala di man lang nagreply kanina. Tsk!" Narinig kong bulong nya bago maunang maglakad sakin papasok ng room.
Pakialam mo ba kung ayaw kong magreply?
As usual, boring ang klase. Discuss tapos konting recitation. Pagkatapos non magkakaroon kami ng activity by partner.
Napalingon ako sa katabi kong unggoy.
*smiles*
"Problema mo?"
"May activity daw e." Nakangiti pa rin siya. Nakaharap sa sakin na nakapangalumbaba.
Creepy.
Mukang alam ko na kung ano na naman ibig sabihin nito.
"Oo na, alam ko na. Wag kang gumaganyan. Katakot ka alam mo yun?"
"Thank you!" Mas lumawak ang ngiti nya.
"Landi mo! Tutulungan lang kita, hindi ako gagawa ng iyo." Sermon ko.
"Ouch. Ang sakit naman non babe. Umasa ako e." Nag pout siya habang hawak nya yung puso nya. Cute.
"Namimihasa ka na eh! Sakin mo lagi inaasa lahat. Napapagod din ako. Gagawa din ako hano?"
YOU ARE READING
My Worst Downfall
Ficción GeneralAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.