MWD: Chapter 12

26 0 0
                                    


Dj Dugong:

Where are you?

Isa isa kong tinignan ang mga sasakyang nakaparada sa garahe nila Yoona. Alin kaya ang gagamitin namin ngayon? Sa dami ba naman ng sasakyan nila ay iba iba ang ipinanghahatid sa kaniya sa loob ng mahigit isang linggo.

'Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito?'. Tanong ko sa sarili habang hinihimas ang salamin ng pula nilang kotse.

Kung isang milyon ang halaga ng isang kotse, halimbawa, tapos 2k ang kinikita ko kada linggo, ilang taon kaya ako bago makabili?

"Pumasok na po kayo sa loob ma'am" Sabi ni Kuya Jun, yung driver nila.

Hayst! Ang hirap naman mag math, kaya hindi acounting ang kinuha ko eh! Baka mabaliw ako sa kakabilang ng pera ko. Mababaliw talaga ako nun, paano ako magbibilang ng pera kung wala naman akong pera?

Nang natanaw ko na ang gate ng H.U ay doon na ako ginapangan ng kaba. Dati naman ay hindi ako kinakabahan pag magpeperform. Nanginginig ang tuhod kong bumaba sa sasakyan.

Sa pagpasok pa lang ng gate ay dinig na ang malakas na tugtugan. Nasa isang dulo ng H.U ang covered court. Hindi kasi sa gym ginanap dahil hindi nito kakayanin ang dami ng tao. Ginagamit lang iyon pag per department ang gaganaping ball, ngayon kasi ay lahat ng courses ang kasali.

"Tricia, san ka?" Tanong ni Cassy.

"Sa backstage na ako didiretso opening daw kami eh. Kayo saan banda?"

"Dun na lang siguro sa may gitna." Sabay turo nya sa tables doon.

Tumango ako at umalis. Magtitext na lang ako mamaya pagkatapos magperform.

Tinahak ko ang daan papuntang backstage. Medyo marami na rin ang mga tao, may mga nagsasayaw na rin na kaunti ang ilan naman ay naglilisawan lang.

"New style huh? You still look cheap." Inirapan ko ang pamilyar na babae matapos nya sabihin iyon.

"Shut up." Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Dj pero bigo ako. Nasaan na kaya iyon? Nakalimutan ko nga pa lang magreply kanina. Magtytype na sana ako ng message nang maalala ko yung sinabi ni Xyriel.

"No text. No call. Para surprise yung pagkita nya sayo. He'll be surprisingly amazed by your look tonight I swear!"

Ibinaba ko ang phone ko. Binuksan ko ang pintuan ng backstage. Naabutan ko sina Ash na nagaayos ng kani-kanilang damit. Wala na pala ang mga instruments dito, hindi ko napansin kaninang nasa stage na ang mga ito.

Pumasok sa isip ko ang Yellow note nang matanaw ang room nila. Mukhang nandito na rin sila dahil nakita ko ang manager nila pumasok doon. Kinakabahan ako pero mas umaapaw ang excitement ko! Hindi pa rin ako makapaniwala! Makakasama ko sila ngayon sa stage!

"Alright Wild Jam, be ready. We'll start in five minutes." Sabi ng organizer.

"Okay ka lang? Ang lamig ng kamay mo." Puna ni Ash nang mahawakan ko ang kamay niya.

"Oo, medyo kinakabahan lang." Ngumiti ako.

"That's new, huh? Hindi ka naman ganyan kabahan dati!" Humalakhak siya. "Is it because of YN?"

Tumango ako. "Siguro nga." Kinakabahan ako di dahil sa perfermance, kinakabahan ako dahil makikita ni Dj na ganito ang suot ko.

"Boss Tricia ang ganda mo ngayon ah!" Uminit ang pisngi ko sa sinabi ni Troy.

"Bolero!" Ngumisi ako.

"Hindi ah! You're beautiful tonight, really. Di ba pre?"

"Yeah, bago sa paningin. Finally babae ka na! Hahaha." Pangaasar ni Steve.

My Worst DownfallWhere stories live. Discover now