Prologue

99 4 2
                                    


Itinaas ko ang shot glass sa bartender para kumuha pa sana ng shot ng tequila nang bigla itong inagaw ni Xy mula sa 'kin.

"My gosh tricia! Can you please stop drinking? This is not you!" Dinig kong saway nya.

"Wala-akong-pake. Hayaan mo na muna ako kahit ngayon lang please gusto ko lang makalimot." Katwiran ko.

"And you think makakalimutan mo siya pag nalasing ka?"

"Maybe. I will never know if I wont try." Ininom ko ang laman ng shot glass nang mabitawan ito ni Xy.

Buti pa tong si Drake kahit katabi ko rin hinahayaan lang ako. Lalaki pa to ha? Etong babaeng nasa harap ko parang di ako maintindihan. Tsk! Killjoy.

"Tangna! Lasing ka na nga. Nageenglish na! Haha." Tinapik ni drake ang balikat ko.

"Sige Drake! Asarin mo pa. Imbis na tulungan mo akong pigilan to e nakatanga ka lang!" Ani Xyriel.

"I wanna dance! Samahan nyo ko bilis!" At hinila ko silang dalawa palapit sa dance floor. Bakit ako magmumukmok sa gilid gayong pwede naman akong magsaya dito? Spend the rest of the night and enjoy Flor's party! Wooo!

"Yeaaah! Party!" Sumayaw sayaw ako kasabay ng saliw ng musika.

"Drake alalayan mo uy!"

"Relax! It normal to party like this." Baling ni Drake kay Xy.

"Anong normal? Hoy hndi sanay sa ganto kaibigan natin! Baka nakakalimutan mo."

Bahala kayo magaway jan! Let me enjoy this! Hahaha.

Nagwala ako and I almost lose my self control. Dapat magsaya ako ngayong gabi. Walang pwedeng pumigil. Sana ay pagbigyan naman nila ako. Gusto ko lang magpakamanhid ngayon at makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko kahit sa sandaling panahon lang.

Sinunod ng aking katawan ang tugtog kahit medyo nahihilo na ako ay pinilit ko pa ring tumayo.

Hanggang sa di ko na nakayanan ang hilo at para bang hinahalukay ang sikmura ko na di ko maintindihan. Umikot ikot ang paningin ko kaya di ko na napigilan ang pagsuka.

"Trish are you okay? Shit!" Daing ni Xy nang masukahan ko ang sapatos nya.

Inalalayan nila akong dalawa hanggang sa makarating kami sa pinakamalapit na upuan. Di na ako nagpumiglas pa dahil sa sama ng pakiramdam. Mamaya na lang ako babalik doon! ^_^

Sumandal ako sa bar counter. Si Drake ay nanatiling nakatayo at mukang di mapakali. Nakita kong may dinadial si Xy sa kanyang cellphone pero hindi kona naaninag kung sino iyon dahil sa panlalabo ng paningin ko.

"Cannot be reached. Drake bilis! Puntahan mo na siya. Malamang nasa pool side sila." Ani Xyriel kaya nagmadaling umalis si Drake.

Bumalik ang tingin sa akin ni Xy at sinuklian ko siya ng isang malapad na ngiti.

"Good thing pinaalis mo si Drake. Should we get back to the dancefloor?" Hinila ko siyang muli at hinigpitan ang pagkakahawak dahilan para di na siya makawala.

"This is life! Haha!" Hiyaw ko. Nang may lumapit na lalaki sa akin ay di na ko nagatubili pang makipagsayaw sa kanya. Wala namang masama dahil sumasayaw lang naman kami diba?

"Ano ba! You're drunk and out of control kaya pwede ba, let's sit for a while?" Paninita na naman ni Xy.

"Nakaupo na tayo kanina ah? I can handle myself!" Hinawi ko ang kamay nyang nakaambang hilahin ako.

"I know you can't. Ano pa ba dapat kong sabihin para tumigil ka na?" Napakamot siya sa kanyang ulo nang pagalit nya akong sinagot.

"Don't be such a killjoy! Kung ayaw mong sumayaw, leave me alone! I don't need a companion!"

My Worst DownfallWhere stories live. Discover now