MWD: Chapter 4

44 2 0
                                    

Iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko pag naaalala ko yun. Masakit? Masaya? Ewan. Isa lang ang sigurado ako, sobra akong thankful dahil yung sinabi nya noon hanggang ngayon ginagawa nya.

Nakatingin ako sa kanya.
Ang ganda pala ng labi nya. Manipis na natural ang pagkapula na lalong pinatingkad dahil sa maganda nyang kutis. 'Yung jaw line nyang sobrang perpekto ng pagkakahubog ang pinaka asset kumbaga ng kanyang pisikal na anyo. Pinagmamasdan ko siya ngayon habang marahan siyang nakapikit sa saliw ng awiting tinutugtog nya. Ngayon ko lang napansin ang haba at ang kapal ng pilikmata nya. Bat hindi ko to naappreciate dati? Yung mga mata nya na naiimagine ko kahit nakapikit ay sobrang expressive at napakaamo.

Ang kinis naman ng kamay neto. Pinagmasdan ko yung kamay nya habang nagppluck ng strings ng gitara. Parang di nakakaranas ng hirap. Napatingin ako sa palad kong puro guhit guhit na at sobrang gaspang na kumpara naman sa mga kamay nyang nasa dulo lang ng daliro ang kalyo malamang at dahil sa kakagitara. Kung hawakan nya kaya ang kamay ko e, magkasugat siya?

Hindi ko inaasahan ang pagbaling ng tingin ko sa kanyang braso. WOW! As in naman napaka-maskulado! Siguro ay nakuha nya to kakatraining nya ng basketball? O di kaya nag-gigym siya? O baka naman sa kanila lang dahil baka may sarili siyang gym?

May abs kaya 'to? Tanong ko sa sarili habang palihim na sinisilip ang tyan nyang natatakpan ng gitarang tinutugtog nya. Sana wala? Ayoko sa lalaking may abs. Kadiri parang ang manyak.

Teka teka teka. Ano bang nangyayari sakin at ganto ang iniisip ko?! Ako na yata ang manyak dito. Ba't ba naman kasi Tricia ineexamine mo katawang lupa ng mokong na to ha? Anong nakain mo at parang puro puri siya sayo? Pagmamaktol ng kabilang bahagi ng utak ko. Ano bang pakialam mo eh iyan ang sinasabi ng utak nya. Napansin lang naman ha? Masama ba yon? Sabi naman ng isang bahagi ng utak ko.

Haay! Anong nangyayari sakin? Mga bessybrains wag kayong magaway huhu. Nahihirapan fo ako!

"Uy okay ka lang?" Halos napatalon ako sa gulat nang nagtanong sya at biglang napatigil sa pagtugtog.

"Ah a-ano.. Oo okay lang ako ano ka ba?" Sagot ko habang pinipigil ang pagkautal kaso di yata sapat yon dahil nabulol ako.

"Eh kasi kanina ka pa tulala jan tapos hindi ka na kumanta. Sabog ka ba? Hahaha" Biro nya.

"Ah hahahehehe, hindi." Tumawa ako kahit di naman talaga ako natawa.

"Are you okay?" Tanong nya na parang hindi kumbinsido sa pagtawa ko.

"Yeah. Okay ako ano bang tanong yan?" Pagtataray ko para mapagtakpan ang pagka-kabado ko.

Ibinaba nya sa damuhan ang gitara. Nagulat ako nang humarap siya sa akin at ipinatong ang dalawa nyang kamay sa magkabilang balikat ko.

Lumaki ang mata ko nang napansin kong tinitigan nya ang mga ito. May narinig akong malalakas na pagkabog. Akala ko'y may dumaan lamang na trike na may sound system sa kabilang bakod ngunit nagkamali ako dahil ito pala ay ang puso kong nagwawala sa di malamang dahilan. Parang may bass at sobrang lakas na ampli sa loob ng katawan ko. Baka tama siya. Sabog nga ako, pero maniwala kayo! Di ako nagddrugs! Wala sa isip ko yon! Maling mali! Di ako ganon baka may nahalo lang sa kinain ko kanina naallergy ako o ano man! Oo tama, siguro ay ganon nga dahil nakaramdam ako ng pagpawis at pagsakit ng tyan ko parang pinapaikot yung nga bituka ko.

"Baket oy!" Pambasag ko sa nakakabinging katahimikan. Di ko gustong mabastos siya pero para kasing grounded yung kamay nya kaya inalis ko agad. Medyo napalakas ata ito pero sigurado akomg di siya nasaktan. Duh Tricia? Dati naman wala lang sayo kahit birahin mo siya? Eh iba kasi ngayon! Wala ako sa mood makipagaway. Oo ganon yon.

Umayos siya muli ng upo ngunit sa pagkakataong ito ay nagtatama na ang aming braso. Mas malapit siya sa akin ngayon kumpara sa pwesto nya kanina. Nakaramdam ako ng ilang buntong hininga nya at pagdantay ng kayang ulo sa aking balikat bago siya nagsalita.

My Worst DownfallWhere stories live. Discover now