Two years ago...
"Ang ganda ganda talaga ng boses mo Tricia! Sabi na nga ba e ilalampaso mo lang sila!" Puri ni Xyriel.
"Oo nga Tricia! Lahat sumabay sa pagkanta mo kanina alam ko namang mas magaling ka sa kanila e.Wala akong ibang narinig sa iba kundi puro compliment!" Dugtong pa ni Flor.
"Wow Flor big word! Hiyang hiya naman ako sayo e sinabihan mo si Tricia kanina ng ...
'galingan mo hoy! Wag mong ipapahiya section natin!' ..." Nakapamewang namang pagkakasabi ni Xyriel habang ginagaya ang tono ng pananalita ni Flor kanina.Naglalakad kami ngayon palabas ng gate. Nakakapagod ang gabing 'to pero sulit naman dahil sa napanalunan ko. Bitbit ko sa kaliwang balikat ko ang gitara ko at nasa paligid ko naman ang mga kaklase ko.
Hindi maiwasan na sundan kami ng iba pang estudyante ng H.U. dahil ako ang naguwi ng 1st prize. Bali natalo ko ang defending champion. Ganoon kasi yon, hanggat hindi gumagraduate ang champion ay dapat na may lumaban para maagaw sa kanya ang title.
Ganon pala yung feeling kapag nanalo, no? Ang sarap sa pakiramdam na nagugustuhan ka ng tao. Magustuhan pa kaya nila ako kahit malaman nilang di ako bagay sa mundo nila? Yung mga nakilala ko kaya dito ay maging kaibigan ko kahit na ganto lang ako?
Sana nga.
Pero nakakatuwa na rin kasi 1st week pa lng ng klase naramdaman ko na ang suporta nila sa akin dahil nga sa ginanap na music fest bilang pagsalubong sa mga freshmen.
Kabi-kabila ang mga naririnig kong puri pero may ilan pa ring nagsasabihing hindi ko deserve ito.
"Freshman lang siya diba?" Bulong nang nasa likod ko.
"Oo. Masscom daw. Bias na naman! Mas magaling yung pambato ng engineering." Sagot naman nung babaeng medyo blonde yung buhok. May braces din siya tapos rebonded.
Nagmamaganda starter pack jusko.
Excuse me? Nandito ako oh? Mahiya naman kayo. Gusto ko sanang sabihan sila ng ganon. Mga walang pakundangan kung magparinig. Bat di nalang nila diretsahin? Oh well, wala naman akong paki sa sasabihin nila. Ayokong maghamon ng away.
Basta masaya ako sa ginagawa ko kuntento na ko :) Di ko naman kailangang iplease ang lahat.
Sa mundong 'to, tama o mali man ang gawin natin, tiyak na may manghuhusga pa rin.
Hirap kaming makausad ngayon sa paglalakad dahil sa dami ng tao. May mga nakikisabay para makiusyoso, may ilan namang walang pakialam.
"Tricia, una na kami ha?" Paalaam nila Flor nang makarating na kami sa gate.
Hindi ko maiwasan ang mapangiti. First time ko kasing ipakita sa napakaraming tao ang hilig ko at di ko inakalang mananalo ako. Isa ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Sigurado ako dun. Bibihira ang mga gantong pagkakataon para sa simpleng taong gaya ko. Atleast naramdaman ko na minsan sa buhay ko ay may isang gabing nangyaring minahal ako ng maraming tao.
Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko nang makita ko si lolo na nakaabang sa kabilang kalsada.
Iwinagayway ko sa kanya ang trophy na napanalunan ko bilang pagmamalaki. Napangiti din siya sa tuwa.
'Sana ay ganon din kaproud si nanay sa akin' bulong ko sa sarili.
-
-
-
-
-
-
-
-
-

YOU ARE READING
My Worst Downfall
Ficción GeneralAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.