Nagpaalam akong pupunta muna akong C.R. Sinabi ko rin na didiretso na ako sa susunod na klase. Hindi na rin naman sila umalma dahil ilang minuto na rin lang naman ang natitira bago magsimula ang next subject at sa kabilang building pa 'yon.
Dumiretso ako sa lababo at naghilamos ng mukha. Tumingin ako sa salamin.
Ano bang nangyayari sa iyo Tricia? Bakit naghuhuramentado ang puso mo kapag nasa paligid siya? Bakit kapag inaasar kayong dalawa ay naiilang ka?
Muli kong binasa ang mukha ko. Kailangan kong magising. Hindi literal pero kailangang mamulat ako sa realidad.
Hindi ito pwede.
Mali to eh.
Mali nga ba?
Hindi, hindi naman ito mali pero hindi ko rin masabing tama.
Paano kung magpatuloy ito? Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi na normal ang nararamdaman ko! Hindi ko maipaliwanag. Ngayon lang ako nakaramdam ng magkahalong saya, takot, lungkot, at kaba kapag nandyan siya.
Saya dahil nandito siya, kaibigan ko, kasama ko. Lungkot, takot at kaba dahil alam kong napakalayo ng agwat ng mundo namin.
Nasa hundredth floor siya, nasa groundfloor lang ako. Nasa eroplano siya, samantalang naka bike lang ako.
Magkaiba ang mga fairytales sa realidad. Napakalaki ng pagkakaiba. Iyon ang tanging nakatatak sa sarili ko.
Mahirap liparin ang pangarap na sobrang taas dahil kapag napagod at nahirapan ka na, mas masakit ang magiging pagbagsak.
Kung dati ay binabalewala ko lang ito ngayon ay hindi na pwede. Bahagya na ang pagkalarma ng sistema ko.
"Oh my gosh! I'm so excited na. Bukas na ang party!" Ani Yoona.
"Mamaya pa lang ako bibili ng damit. How about you guys?" Tanong ni Jana.
"I have na. Pero titingin pa din ako mamaya. Baka may iba akong magustuhan. Someone ask me to be his date." Kilig na kilig naman 'tong si Xyriel!
"Date? Hala siya. Music fest yun ah? Kailangan ba ng date pag ganun. Hindi ba ang date pormal lang na party ganun?"
"Napakainosente mo Tricia. Hahaha!" Binatukan ako ni Xyriel.
Huh? Eh may point naman ako diba!
"Basta party may date kahit saan pwede magdate! Duh girl? Hindi naman rakrakan talaga un na banda lang. I mean kaya nga may Dj diba?"
"Hoy hoy, anong Dj ka jan? Wala akong ka date ha. At tsaka a-ano... hindi nya naman ako niyaya!"
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Sila yan.
"What the effin f Tricia! DJ as in disk jockey. Parang hindi ka naman umaattend ng Acquaintance party every year." Paliwanag niya.
"Ikaw ha. Napaghahalataan na kita" biglang sumulpot si Dj mula sa likod.
Narinig nya yon? Hay naku naman!
Pak! Pak! Pak! Nasampal ko ang noo ko.
"Namissunderstand lang makareact naman to. Bat ba kasi ganon pangalan mo?!"
"It's the coolest of the coolest name ever." Pagyayabang nya.
"Pwede mo naman kasi akong itanong kung gusto mo 'kong idate." Nagsmirk siya.
Natulala ako. Pakiulit yung sinabi nya?
Loading....
Buffering....
![](https://img.wattpad.com/cover/71013306-288-k845500.jpg)
YOU ARE READING
My Worst Downfall
Ficțiune generalăAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.