Naligo na ako at inihanda ang gamit na dadalhin ko sa pagpunta kila Yoona. Pasado alas onse na ng matapos ako.Pagkababa ko ay nagpaalam na ko kay nanay kahit na alam kong papayagan naman ako. Ito nga siguro yung advantage ng hindi kami gaanong malapit sa isa't isa. Hindi naman nya ako pinaghihigpitan.
Nagtipa ako ng message.
Ako:
Papunta na ako. Nanjan na ba sila?
*1 new message*
Yoona Fabian:
Kakarating lang ni Xyriel. Malapit na raw sila Jana. U take care!
Namamangha pa rin ako kapag tinatanaw ang bahay nila, ay mali! Mansion ito sa sobrang laki. Hindi kataasan ang gate kaya tanaw na tanaw ang engrandeng disenyo nito. Hindi ito ang unang beses na makapunta ako pero hindi ko pa rin mapigilan ang paglaglag ng panga ko sa ganda. As in! Kulay itim at puti ang pintura nito at ang ilang parte ng bahay ay gawa sa kahoy. Yung mga muwebles halatang mamahalin. Ang sabi ni Yoona ay sa ibang bansa pa daw ito binili ng Mama at Papa nya. Mahilig daw sila sa antique kaya puro antique halos ang makikita rito.
May guard sila dahil mahigpit ang seguridad pero agad rin naman akong pinapasok nang mamukhaan nya ako.
Sinalubong nila ako pagpasok ko ng pintuan. Naroon na rin pala sila Jana na mukhang nauna lang sakin ng ilang minuto.
"We're complete! Tara let's eat na." Anyaya ni Yoona.
"How about our stuffs?" Tanong ni Cassy.
"Mamaya na 'yan. Kain muna tayo masyado ka namang excited!" Aniya.
"Yeah. We still have a lot of time to prepare 6pm pa ang start noon ah!"
Dumiretso kami sa kusina at nagsimula nang kumain. Sinabi ng mama ni Yoona na damihan na namin ang kain dahil baka magutom kami mamaya. Wala kasing inihandang food doon. Pure party lang. Ang pangit naman daw kung magpapadeliver kami o di kaya'y magbaon ng pagkain.
Nagkwentuhan kami at sa gitna ng usapan ay nabanggit ko rin sa kanila ying sinasabing sign ni Xyriel.
"Omg! This is exciting!"
"Grabe Yoona! Mas excited ka pa sakin, hahaha!" Sabay batok ko sa kanya.
"So, Tricia paano kung hindi ka isayaw ni Dj? I mean, let's look at the other side. He never asked anyone for a romantic dance."
Biglang napawi ang ngiti ko. Naisip ko na ito kagabi pero hindi ko akalain na mas kakabahan pala ako ngayon.
"Ofcourse he will! Ang nega mo naman masyado Flor." Pagdidiin ni Jana.
"Hindi naman kasi umaabot sa ganun noon si Tricia kaya sino ang isasayaw nya nun?"
"Duh! Ang daming pwedeng isayaw yet he chose to sit on the side."
"That's it! Wala si Tricia kaya wala siyang isasayaw. Can't you see? Maybe he reserves his dance for her." I hope so.
Hinayaan ko lang silang magtalo. Napakasupportive naman talaga nila! Haha. Oo aaminin ko, napaisip ako sa sinabi ni Xyriel. Hindi kaya, kaya walang sinasayaw si Dj noon ay dahil wala ako?
Pero imposible. Ayokong bigyan ng pag-asa ang sarili ko. Ayokong bigyan ng malisya iyon. Mamaya asang asa ako dun tapos maling akala lang pala! Hayst! Nakakabaliw na ang pagiisip ha!
"We have another problem. Let's assume na isasayaw nga. Pero paano kung hindi siya ang una?" Inilapag ni Yoona ang isang tupperware na may lamang buko salad.
![](https://img.wattpad.com/cover/71013306-288-k845500.jpg)
YOU ARE READING
My Worst Downfall
General FictionAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.