"Bakit hindi mo ako tinext nung nakauwi ka na?" Tanong nya.
"Nag group message naman ako ah? Hindi mo ba nabasa?" Nagtataka kong sagot.
"Pang maramihan yon. Gusto ko akin lang!"
"Talagang sinisigawan mo ako Danielle ha?"
"Dont you dare call me by my first name again."
Umagang umaga at kulang pa ang tulog ko tapos ganon ibubungad sakin? Gandang pampaumay.
Naging okay na naman ang naging takbo ng araw namin. Magkaayos na kami ng lagay na to e. Ito ang normal samin -.- Ni hindi ko alam kung paano kami nagkaayos, walang nagsorry samin. Oha! San ka pa diba? Pero okay na rin to, ang bigat din pala sa loob pag magkagalit kami. Di nakukumpleto araw ko pag may saltik tong mokong na to.
"Mukang back to normal na ha?" Lumapit samin si Yuichi. Nasa may bench kami ngayon dahil 3pm pa ang next class namin. Sakto naman na uwian na nila kaya nakitambay muna sila saglit.
"Syempre! Ito pa natiis ako?" Sinampay na naman nya yung braso nya sa balikat ko.
"Akbay pa sige! Kala mong kay gaan nya."
Pero hindi nya pa rin inalis. Alam ng lahat na ayaw ko talagang may umaakbay sakin pero eto lang talaga ang mahirap sawayin. Ewan ko ba, siguro nasanay lang talaga ko.
"Patchot! Can I ask you something?" Mahinahon nyang tanong.
"Bat ba kasi patchot Nakakairita ang baho pakinggan." Puna ko.
"Ang payatot mo kase! Kayang kaya ka buhatin ng daliri ko, magpataba ka nga!"
Inirapan ko siya.
"Edi wow. Oh ano yung tanong mo?"
"Ehem-uhm." Nagaalangan nyang sabi.
"Did you missed me?" Mas lumapit pa siya sa akin. Isinandal nyang muli ang kanyang ulo sa aking balikat gaya ng kanyang nakagawian. Nararamdaman ko na ang hininga nya sa sobrang iksi ng pagitan ng mukha naming dalawa.
Pabulong lang iyon pero sapat na para marinig ng buong barkada. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa dahil sa malamig na hanging hindi ko alam kung saan nagmula.
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Oo? Hindi? Namiss ko nga ba siya? Dati naman pag magkagalit kami okay lang. Dati walang awkwardness. Dati normal lang. Bakit parang biglang andaming nagbago?
"Did you?" Muli nyang itinanong. "..'cos I missed you so damn much." I can see sincereness in his eyes. Nakakatunaw. Sobrang nakakatunaw.
Ramdam ko ang tensyon at ang nakakabinging katahimikan. Maging sila Drake na maingay na nagtatawanan kanina ay biglang naging seryoso. Tila ba nakikiramdam sila sa isasagot ko na parang nasa hot seat ako.
"Tricia, tara samahan mo ako bumili ng drinks!" Bigla akong hinila ni Xy paalis.
"Bili ka ng fries patchot! I'm hungry." Pahabol ni Dj at inihagis sa akin ang wallet nya.
Halata sa mukha nyang nabigla din siya sa kanyang sinabi. Gayunpaman, kumilos siya na parang normal lang.
Hindi ko alam kung alam ng lahat yung pagbabago ng nararamdaman ko. Hindi naman ganon kalahata yung mga ikinikilos ko pero kung pagmamasdan mong maigi ay makikita mong may kakaiba. Sa tuwing nagtatama ang mga paningin namin ni Dj ay iba sa pakiramdam. Kapag nanjan siya, nagkakainisan kami. Pero kapag wala siya, hinahanap hanap ng sistema ko.
"Remember the question we asked you bago tayo pumunta sa Gilbert's?" Tanong ni Xy habang naglalakad kami patungong cafeteria.
"Uhm ano ba yun?" Diretso kong sinabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/71013306-288-k845500.jpg)
YOU ARE READING
My Worst Downfall
General FictionAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.