Nahugutan ako ng tinik sa lalamunan nang ayain na akong umupo ni Dj matapos ang kantang iyon.
Kung siguro nagtagal pa kami doon ay natunaw na ako sa mapanuring titig ng mga tao.
"Kuha lang kami ng food." Tinapik ni Yoona ang balikat ko. Tumango ako. Akala ko ba ay walang inihandang pagkain dito?
"Are you hungry?" Tanong nya.
"Medyo, ikaw ba?"
"Kinda. I'll just get some food. Anong gusto mo?" Tumayo si Dj para kumuha ng pagkain. Sinabi ko na nga na tutulungan ko siya pero ang sagot lang nya eh baka daw mapagod ako.
Seryoso. Naninibago ako sa kanya. Bigtime.
"Gosh! Di ko alam na ganoon kahaba ang pila." Reklamo ng naunang bumalik na si Flor.
"Saan ba ang buffet?" Tanong ko. Inituro nya yung sa may garden. Hindi ko gaanong tanaw dahil may nakaharang. Ang akala ko dun lang sa may gilid.
Naisip kong sundan si Dj dahil baka naiinip na siya duon. Mga ilang minuto na rin naman ang nakalipas, masyado naya siyang nagtagal roon. Nilakad ko ang konting distansya papunta sa buffet.
Hindi pa ako gaanong nakakalapit ay nakita kong huminto siya sa isang table dala ang dalawang platong may lamang pagkain. Tumayo ang isang babaeng naka red na dress at pumps para salubungin siya.
May kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko. Hindi literal pero damang dama ko, lalo na nang ibaba ni Dj ang pagkain sa lamesa para makabeso siya sa babae.
Hindi ko gaanong makita kung sino dahil nakatalikod siya sa akin. Nang medyo tumagilid ito ay nakumpirma ko na agad kung sino. Napatakip ako sa aking bibig nang mapagtantong ang kausap nya ay si Lori.
Ano ka ba naman Tricia? It's normal. Nagiging casual lang naman siya kay Lori. It's nothing. At ano ba kayo? Walang namamagitan sa inyo. Stop acting like you own him! He's never yours!
Dali dali akong bumalik sa table namin. Isinantabi ang kaunting kirot na naramdaman. Malawak ang ngiti na isinalubong ko pagbalik ko roon.
"Akala ko sinundan mo si Dj. Asan na?" Tanong ni Psyche.
"Oo nga kaso hindi ko nakita eh. Andaming tao." Palusot ko na mukhang bumenta naman. Wala namang dapat pagdudahan. Kaya kong tiisin ang simpleng bagay na iyon.
Pero kung doon talaga siya pupunta, ayos lang. Di naman ako magrereklamo kung sana lang ay di na nya ako inalok ng pagkain. Kaya ko naman kumuha ng sarili ko.
Nagsimula na silang kumain. Wala pa si Dj kaya nandito ako't iniinom ang tubig na binigay kanina. Walang gana kong sinisimsim ang kaunting tubig para di agad maubos. Ilang minuto pa ba akong maghihintay? Sa pagkakataong to, kumalam na ang sikmura ko. Kukuha na nga lang ako ng akin!
Tumayo ako. Nagpaalam na rin ako sa kanila na pupunta lang ako sa buffet dahil di ko na kayang hintayin si Dj. Baka isinayaw na nya ang babaeng iyon. Pero malabo, kumakain ang lahat dito at walang tao sa dance floor.
Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang biglang sumulpot ang dugong sa kung saan.
"Where are you going, lady?" May bahid ng pagtataka sa kanyang mukha.
"San pa ba sa tingin mo? Kukuha ako ng pagkain ko." Hindi ko na napigilan ang inis.
"Hindi ba't sabi ko ako na ang kukuha? I'm sorry if it took much time. Ang haba ng pila kanina eh."
Nagkibit balikat na lang ako. Huh! Mahaba ang pila, sinong niloko mo Dj? Baka ang sabihin mo ay ang usapan ninyo ni Lori ang humaba.
"Sabi ko naman sayo dapat ako na ang kumuha ng akin. Nahirapan ka pa!" Ginawa ko talagang sarcastic ang tono.
YOU ARE READING
My Worst Downfall
Ficción GeneralAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.
