"Oh wait. Muntik ko nang makalimutan, the acquaintance party will be held less than 2 weeks from now. Class dismissed!"
Woo! Party na naman gastos na naman! Pero dahil nga tutugtog ang banda ng school ay required na kumanta din ako kahit ilang piyesa lang. Di naman talaga ako kasali sa Wild Jam kasama lang ako sa kakanta dahil ako yung nanalo last year.
Goodnews: Libre ticket
Badnews: Wala akong damit.Iyak T.T
"Maaga pa naman punta muna tayong mall." Anyaya ni Cassy
Yayaman ng mga kupal na to di ako bagay dito.
"I have a better idea! Kain nalang tayo instead of malling? I find it boring kasi. And I'm craving for a cake. CofiChino tayo!" Hinimas ni Jana ang kanyang tiyan.
"But I want pasta. Boys ano sa tingin nyo?" Tanong ni Xyriel
"Kahit ano." Ani Psyche
"Dont worry guys I know a place na magugustuhan ng lahat for sure." Sagot ni Drake.
"Saan na naman yan bro? Make sure it's safe. May girls tayong kasama." Said Yuichi sabay tingin sa girlfriend nyang si Jana na nasa tabi nya. How sweet.
Pano naman ako sisingit. Hays. How can I tell them na wala akong pera ngayon? Kumpleto ang barkada ngayon at nakakahiya kung di ako sasama. Kaso naman wala akong pera. Saksakan pa naman ng dami ang gastos ngayon.
Bahala na nga. I'm sure maiintindihan nila ako alam naman nilang di naman ako mayaman tulad nila.
"Guys pass ako. Sorry." Kagat labi kong sinabi.
"What?! Di nako sasama pag wala ka!!" Naginit ang pisngi ko sa sinabi ni DJ. "Ano na naman ang dahilan mo?!"
"Wala kong extra ngayon e." Nahihiya kong sabi.
"Is that even a problem?! Wag kang maginarte nakakainis. Com'on akong bahala sayo." Bulyaw nya.
"Kailangan sumisigaw? Hilahin ko patilya mo jan eh! Kaloka 'to."
"Kailan ba kita pinabayaan?" Dugtong nya pero this time ay medyo mahinahon na ang boses nya. Hindi pangaasar. Kita ko ang concern sa mga mata nya. Nanlaki naman ang mga mata ko -.-
Natigilan ako sa sinabi nya. Okay Patricia wala lang yon, wag mong intindihin yon. Act normal. Kunyari wala lang kasi wala nman talaga. Breathe.
Nakailang buntong hininga pa ako bago muling nagsalita.
"Eh bakit ka nagagalit? Sasama naman ako kung meron akong pera e. Di mo na ko kailangan sigawan!" Pagtataas ko ng tono.
"Lambing lang yon. Ayoko lang kasing di ka kasama. Alam mo na?" Akbay nya sakin at kumindat pa.
Bakit ba ganto epekto mo saking hayup ka?
"Sasama na, oo na! Kaya lang pwede ba tigilan mo pagakbay akbay sakin ha? Nakakadiri!" Good acting skills huh? *Hands to myself*
"Aalis na ba tayo oo magaaway nalang kayo jan?" Nakapamewang na sabi ni Flor.
"Get your cars. Dito nalang kami maghihintay ng mga girls. Right Tricia?" Ngumiti sakin si Jana at sumunod namang nabaling sakin ang tingin ng iba pang babaeng kasama ko ngayon.
Okay? Anong meron? Nagkibit balikat nalang ako hanggang sa sunod sunod silang nagsalita.
"I smell something fishy." -Flor
"What's that spark?" Tanong ni Xy kaya napatingin ako sa paligid namin.
Wala namang nagwewelding? Wala din namang putol na kawad nang tumingin ako sa poste. Sabog yata mga kupal na to.
YOU ARE READING
My Worst Downfall
Ficción GeneralAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.