Hinilig nya ang kanyang sarili sa bumper ng kanyang pulang Bmw.
"Fetching you." Malamig nyang sagot.
"Hays. Alam ko. Ibig kong sabihin, bakit?" Tanong ko.
Mula sa pagkakahilig ay unti unti siyang lumapit sa akin. Malayo pa lang ay amoy ko na ang kanyang mamahaling pabango. Mas lalo pa noong halos isang metro na lang ang pagitan naming dalawa.
"Just checking if you're safe with..." Nilingon nya ang mga kasama ko na para bang ineexamine ang bawat isa. Nakaawang pa ng kaunti ang kanyang mga labi.
"Don't worry bro, prinsesa namin 'to e! Hahaha." Pangaasar ni Troy dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya. Nakaramdam naman si Wax kaya't siniko nya ang kaibigan.
Muli kong tinignan si Ash. Hindi pa rin nawawala ang kakaibang tingin nya kay Dj. Hindi yata nagustuhan ang tono ng pananalita nya.
"Princess, huh? I was wondering of what you were thinking with a lady inside a room." Ibinaling ni Dj saglit ang kanyang tingin sa akin bago ito bumalik kay Ash.
"Parang nakakalalaki ka na brad ah. So ano ba gusto mong iparating? Na minamanyak namin tong si Tricia?!" Bigla akong nagulat sa isinagot ni Ashton.
Oh my god. Hindi maganda 'to!
"I am not saying anything. But on the other side, it is possible." Kalmadong sabi ni Dj.
Nakita ko ang pag igting ng panga ni Ashton habang nanatili ang matalim na titig ni Dj sa kanya. Agad namang iniharang ni Steve ang kanyang braso kay Ashton para pigilan ito.
At ako? Eto nasa gitna nilang dalawa. This is so awkward.
"Uhm ano, next time na lang ha? Ingat kayo sa paguwi." Tumabi ako kay Dj. "Dj ano ba tara na." Bulong ko.
Pilit kong hinila si Dj palayo sa kanila. Baka magpangabot pa ang dalawang to. Hindi ko kayang magakay ng lalaking bugbog sarado. Ang bigat kaya nito! At isa pa, hindi ko kayang magdrive. Baka maibangga ko pa ang kotse nya wala pa naman akong pambayad.
Binuksan niya ang pintuan ng kotse para makaat tsaka umikot para umupo sa driver's seat.
"Ano na naman nakain mo't naisipan mong sunduin ako?" Tanong ko.
"I texted you. I even called you but you're not answering and I got worried." Nanatili pa rin ang kanyang mata sa dinadaanan namin.
"Nagppractice kami syempre. Tsaka diba sinabi ko na sa inyo kanina na okay lang ako?"
"What if.." nagaalangan pa siyang dugtungan ang sasabihin nya. "What if they're planning to do something to you?"
"Ang paranoid mo. At tsaka nainsulto mo sila sa sinabi mo kanina ha! Sana hindi ka na lang nagsalita." Sermon ko.
"Its because I want to know their real agenda. You know I know boys, I can sense them through their answers and actions." Paliwanag nya.
"Kahit na! Hindi mo na dapat sinabi iyon. Masyado mo silang hinusgahan. Hindi mo naman sila kilala." Naiinis kong sabi.
Ang kulit naman! Ano tingin nya sakin bata? Kaya ko ang sarili ko. Kakasabi ko lang sa kanya kanina na mapagkakatiwalaan sila. Gusto pa ata nyang magsimula ng gulo kanina. Nakakahiya kila Ash para pagisipan sila ng ganon. Ngayon hindi ko alam kung pano ako magsosorry sa kanila sa nangyari.
Hay naku naman!
"That's it! I don't know them. You can't trust someone you don't know." Giit nya.

YOU ARE READING
My Worst Downfall
General FictionAko si Patricia Lauri Domingo. Ako yung bestfriend mong nainlove sayo.