Kalungkutan

1K 15 2
                                        

Ako'y mayroong kalungkutang ikinukubli,

Sa mga mata ko'y kita ang pighati,

Natatakot na sa iba'y ibahagi,

Mayroon ba'ng kayang makaintindi?


Munting bagay na dinaramdam,

Isang karamay ang tangi kong kailangan,

'di kailangan ang tinging mapanghusga't mapang-uyam,

Ang kailangan ay isang mapagkakatiwalaang kaibigan.


Inaasahang mayroong papawi sa aking dinaramdam,

Muling ibabalik ang ngiting aking inaasam,

Problema'y mawawaglit sa isipan,

Tanging mararamdaman ay kasiyahan.

Mga Natatanging TulaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon