Kung ako'y ikukumpara sa isang bagay,
Salamin ang alam kong sa akin ay babagay,
Dahil tulad ng repleksyon sa salamin,
Ako'y hirap na ilabas aking mga saloobin.
Ako rin ang tipo ng babaeng sensitibo,
Na agad na bibigay mula sa maling galaw ng isang tao,
Ako'y dapat na inaalagaa't iniingatan,
'pagkat ako'y maaaring mabasag dahil sa iyong kapabayaan.
Ako rin ang tipo ng taong madaling basahin,
Ugali't dinaramdam ko'y agad na masasalamin,
Kahit na anong pilit na pagtatago,
Sumisingaw pa rin ang tunay na dinaramdam ko.
Ngunit iisa lamang ang alam kong sigurado,
Kung ano ang nakikita mo sa akin ay iyon ako,
Hindi man perpekto't maraming kahinaan,
Ako nama'y narito upang iyong masandalan.
BINABASA MO ANG
Mga Natatanging Tula
PoesíaSa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!