Sa Oras ng Unos

1.3K 8 0
                                    

Mga kalamidad na kay bagsik,

Dapat pagtuunan ng ibayong pansin,

Sa oras na ito'y humagupit,

Dulot nito'y napakalupit.

Kahandaan ay kinakailangan,

Upang magkaroon ng katatagan,

Kasabay ng nararapat na kaalaman,

Ukol sa kalamidad na ating kalaban.

Ilang buhay pa ba ang mawawala?

Ilang ari-arian pa ba ang masisira?

Bago natin mapagtanto't makita,

Na paghahanda'y napakahalaga?

Para sa iba'y katawa-tawa,

Hindi seryoso sa paghahanda,

Saka lamang kikilos kapag nariyan na,

Kung kailan huli na para sa kanila.

Paghahanda sana'y seryosohin,

Kahalagahan ay laging isipin,

Mas mainam nang handa kaysa wala,

Nang 'di magsisi kapag huli na.

Mga Natatanging TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon