Mga pulitikong ibinoto ng sambayanan,
Inaasahang magsilbi nang tapat sa ating bayan,
Ngunit nangyayari'y sadyang taliwas,
'pagkat kanilang binubulsa kaban ng Pilipinas.
Perang nakokolekta'y sa iba nagagamit,
Kaya't mga tao'y sa patalim kumakapit,
Korapsyo'y nagbubunga ng mga kapus-palad,
Na kalauna'y gumagawa ng krimen sa ating bayan.
Korapsyo'y parang sunog kung maituturing,
Na dapat apulahin bago makapaminsala sa atin,
Solusyo'y 'di man basta-basta,
Pagdaan ng panaho'y atin rin itong maaapula.
Tayong mga mamamaya'y dapat na manindigan,
Ipaglaban ang ating mga karapatan,
Tayo ma'y nasa ilalim nilang lahat,
Ito'y hindi hadlang upang tayo'y umangat.
BINABASA MO ANG
Mga Natatanging Tula
PoetrySa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!